^

PSN Palaro

So, Ano ang balak ng NCFP?

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - Pilipino Star Ngayon

Hindi kasing popular ng basketball ang chess.  Ma­rahil ay mas gusto ng mga Pilipino ang pisikal kaysa sa mental na laro.

Sa pagkakaala ko, ang naging rurok ng chess ay sa panahon na masigla pa ang pagsali ni Grandmaster Eugene Torre sa mga internasyunal na kompetisyon.  Hindi ba’t noong 90s ay dito pa sa Pilipinas ginawa ang Chess Olympics na nakober ko pa.

Pero, nang lumao’y tila nawala na ang kinang chess.  Mayroong ipinapanganak sa Pilipinas na mga magagaling na manlalaro ang chess, isa na nga ay si GM Wesley So, itinuturIng na isa sa pinakabatang nai­tala bilang GM sa bansa.

Sa murang edad ay mga beterano na ng internas­yunal na chess player ang tinatalo ni So. Sa kasalukuyan ay No. 1 sa juniors at No. 41st sa daigdig si So. Noon siya ang nangungunang under-16 chess player sa bansa.

Pero kahit na nagningning pa ang mga kredensyal ni So, ang ipinagtataka natin ay ang pagtrato sa kanya ng National Chess Federation of the Philippi­nes (NCFP).  Masama ang loob ni So dahil na rin sa ipinapalabas ng NCFP na may kontrata si So na pinirmahan na irirepresenta niya ang bansa  sa  mga chess events.

Nagkataon naman na may final exams ang bata, ano ang pipiliin ni So?  Ang   pagkakataong katawanin ang bansa, na lagi naman niyang ginagawa, sa isang internasyunal na event? O ang  kumuha ng final exam sa kanyang paaralan.

Kahit kalian ay hindi itinanggi ni Wesley So ang Pil­ipinas.  Noon pa man, kahit na noong panahon na siya ay kinokober ko pa, kinakitaan na ang bata ng  sigl­a kapag siya ay naglalaro para sa bansa.  ‘Proud to be Pinoy’, ika nga.

Pero, kinakailangan din naman niyang intindihin ang kanyang pag-aaral. Sino ba namang  matinong mag-aaral (at matalino si So) ang gusto na siya ay bu­magsak sa klase.

Kung ganito ang mangyayari na tila hindi sinususuportahan ng NCFP ang kanilang mga chess players, marahil ay sila rin ang magsisi sa huli sakali (at huwag naman sana) na ang No. 1 chess player ng Pilipinas ay mag-iba ng nationality.

Pag-isipan ninyo ito NCFP.

CHESS

CHESS OLYMPICS

GRANDMASTER EUGENE TORRE

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPI

PERO

PILIPINAS

WESLEY SO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with