^

PSN Opinyon

Masakit ang balikat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang sakit ay maaaring manggaling sa loob ng mga joints ng balikat at sa paligid ng muscle, ligaments at tendons. Karaniwang lumalala ang sakit kapag ginalaw ang braso at balikat.

Ang sobrang pananakit ng balikat ay nakasentro sa itaas na bahagi ng braso, likod at leeg. Ito ay maaaring napakasakit kapag magsusuot ng baro.

Ang Rotator cuff injury ay isang pinsala mula sa paulit-ulit ng sobrang paggalaw ng balikat tulad ng pagpinta, pagla­ngoy, pagbato ng bola, at aksidente.

Para makaramdam ng ginhawa:

1. Ipahinga ang balikat. Ihinto ang dahilan ng pananakit. Limitahan ang pagbubuhat ng mabibigat o mga gawaing na ginagamitan ng paibabaw o paitaas na galaw ng apat hanggang pitong araw.

2. Lagyan ng cold pack ng dalawa hanggang tatlong araw, pagkatapos ay hot pack naman. Gumamit ng cold pack o towel na mayroong nakabalot na yelo na 15 hanggang 20 minuto kada oras para mabawasan ang pamamaga. Gawin ito kada oras. Pagtapos ng dalawa o tatlong araw, kung ang sakit at pamamaga ay bumuti, maaari namang mag-apply ng hot packs o heating pad. Maaaring makatulong magpa-relax sa namamagang muscles. Limitahan ang pag-aaplay ng init sa loob ng 20 minutos lamang.

3. Gumamit ng mga over-the-counter na pain medication tulad ng pamahid sa kirot, at tableta tulad ng ibuprofen at paracetamol. Panandalian lang ang paggamit nito.

4. Mag-strecthing. Pagkatapos ng isa o dalawang araw, gumawa ng mga magagaang exercise para mapanatili ang muscle ng balikat na maging malambot. Kung maaari ay palakasin ang iyong balikat. Kung hindi ito igagalaw maaari itong maging dahilan ng paninigas ng mga joints.

5. Maghinay-hinay. Maghintay hanggang sa mawala ang pananakit bago unti-unting bumalik sa mga gawain na naging dahilan ng pagkapinsala. Minsan, kailangan ng tatlo hanggang anim na linggo para tuluyang gumaling.

6. Suriin ang sports na ginagawa. Kung ang mga gawain gaya ng tennis, baseball, golf o iba pang sports ang dahilan­ ng pananakit, kinakailangan mong magpalit muna ng sports o kaya’y magpahinga.

vuukle comment

BALIKAT

MUSCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with