^

PSN Opinyon

Neck pain

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang pananakit ng leeg (neck pain) ay posibleng may kaugnayan sa masel, nerve at cervical vertebrae (buto sa leeg). Sa kabutihang palad, maraming dahilan ng pana­nakit ng leeg ay hindi naman seryoso at maaaring ma­gamot.

Mga dahilan:

1. Hindi maayos na pagtayo at pag-upo—Ang hindi maayos na pagkakaupo habang nasa harapan ng computer o ang pagkakabaluktot habang nasa harapan ng iyong ginagawang trabaho, at maling posture ay maaaring makapag-pangalay ng muscle.

2. Pangangalay ng muscle—Sobrang paggamit gaya ng pag-ikot ng ulo, ay maaaring makapag-pangalay sa muscle, gayundin ang pagkiskis ng ngipin (teeth grinding).

3. Pag-edad ng kasu-kasuan—Ang leeg ay nakarara­nas ng pagkapagod lalo na kung nagkakaedad na nagiging dahilan para magkaroon ng osteoarthritis.

4. Pagkaipit ng ugat o nerve—Ito ay nangyayari sa puwang sa may palibot ng neck vertebrae o buto sa leeg. Puwede dahil sa arthritis o sobrang paninigas ng masel dulot ng stress.

5. Pagkapinsala—Ang pagkakapinsala sa whiplash, kung ang leeg ay pinatutunog ng paulit-ulit, nababanat ang leeg sa maling galaw.

6. Sakit—Ang pananakit ng leeg ay maaaring sintomas ng sakit gaya ng rheumatoid arthritis o meningitis.

Kung minsan ang pananakit ng leeg ay nagpapahiwatig ng seryosong sakit. Kumunsulta agad sa doktor kung makaranas ng mga sumusunod:

1. Pananakit ng balikat pababa sa iyong braso.

2. Pamamanhid o pagkawala ng lakas sa braso at kamay.

3. Pagbabago sa oras at panahon ng pagdumi.

4. Kawalan ng kakayahan na maabot ng baba (chin) ang dibdib.

NECK PAIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with