^

PSN Opinyon

Mga dahilan ng sakit ng ulo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang mga karaniwang dahilan kaya sumasakit ang ulo:

1. Stress, depresyon, kaba, tension, lungkot, pag-aalala at galit.

2. Maaaring sumakit ang ulo kung nakakuba o poor posture, hindi aligned ang gulugod o spine, matigas ang mga masel sa balikat at arthritis. Kung may rayuma sa buto ng leeg at pagtigas ng panga o TMJ.

3. Sa migraine headache, ang mga pagkain na may tyramine ay maaaring magdulot ng sakit ng ulo tulad ng cocoa, tsokolate, keso, soy products, toyo, alak, vetsin, caffeine, preserved na karne na may nitrites gaya ng hotdogs, bacon, pepperoni.

4. Ang iba pang dahilan ng sakit ng ulo ay low blood sugar, pagdidiyeta, pagpuyat o kulang sa tulog, sobrang pagtatrabaho o sobrang ehersisyo.

5. Nakakasakit ng ulo ang pag-iiba ng klima o weather na kung minsan ay sobrang init o sobra naman lamig.

6. May mga gamot na kadalasan mayroong side effect kasama ang pagsakit ng ulo.

7. Kung bago o habang may regla at menopause.

8. Ang high blood pressure ay nakakasakit din ng ulo.

9. Lagnat o kaya naman nauntog.

10. May mga taong may irritants sa ilong tulad ng pabango, thinner, pintura, at rugby.

Isulat ang mga sumusunod para matulungan ang doktor na malaman ang sanhi ng sakit ng ulo:

1. Magtala ng araw at oras ng sakit ng ulo; lokasyon, at kung gaano ito katagal.

2. I-rate ang sakit from 1-10.

3.  Ang dahilan na nakapagpa-trigger at pagkain na kinain.

4. Kung may kasamang sintomas.

5. Kung nasa lahi ng pamilya.

6. Mga gawain o stress level.

7. Menstrual cycle.

8. Gamot na iniinom.

9. Weather o klima

10. Trabaho o ang mga ginagawa.

Kumonsulta sa Neurologist kung sobra ang sakit ng ulo, sobrang hilo, nagsusuka, walang balanse, may mataas na lagnat, at kung nawalan ng malay.

ULO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with