Sprain, strains at fractures sa paa
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2020 - 12:00am

Ang sprain ay nangyayari kapag ang litid o fibrous tissue na nagkokonekta sa isang buto sa joint ay nabanat o napunit. Ang karaniwang naapektuhan nito ay ang sakong (ankle). Ang strain ay pinsala sa muscle o tendon kapag ang litid ng tissue ay nahatak o napunit.

Tips:

1. Ipahinga ang napilay na parte ng 2 araw.

2. Lagyan ng cold compress o yelo.

3. Itaas ang parte kung nakahiga ka, tulad ng paa, para hindi mamagang masyado.

Fractures sa paa (bali)

Ang stress fracture sa paa ay gaya ng hairline crack sa buto. Kadalasan ito ay dahil sa paulit-ulit na paggamit ng puwersa, tulad ng paulit-ulit na pag-talon pataas at pababa o ang pagtakbo na ginagamitan nang malakas na impact gaya ng basketball o track and field.

Tips:

1. Hayaan munang gumaling ang fracture na hindi ba­baba sa 1 buwan.

2. Gumamit ng tungkod base kung saan ang apektadong bahagi.

3. Iwasan muna ang mga gawain na ginagamitan ng malakas na impact sa loob ng 6 na linggo hanggang mga ilang buwan, base sa lokasyon ng apektadong bahagi at payo ng iyong doktor.

Achilles tendinitis

Ito ay ang pamamaga sa Achilles tendon, na kumo-konekta sa masel ng binti at sa buto sa sakong.

Ang sakit ay kadalasang nakukuha sa pagtakbo at mga sports injury na dahilan ng sobrang paggamit o eher­sisyo, kaya nagkakaroon ng pamamaga ng Achilles tendon. Maka­raramdam­ ng kirot lalo na kung tumakbo o tumalon.

Tips:

1. Magsuot ng malambot na suwelas (sole) o kutson ng sapatos sa tuwing tatakbo, at iwasan ang pag-akyat at baba sa matataas na lugar.

2. Iwasan ang mabigat na impact sa iyong sakong sa loob ng ilang araw.

3. I-stretch araw-araw ang kalamnan o masel ng binti.

Bunion sa hinlalaki

Ang bunion ay isang abnormal, na matigas na bukol na nabubuo sa ibaba ng hinlalaki ng paa. Lumaki ang joint ng hinlalaki (nakausli sa tabi), kaya pinipilit itulak at magdikit-dikit ang ibang daliri ng paa. Parang nakabukol palabas ang gilid ng iyong paa kaya hirap magsuot ng sapatos.

Ang maling sukat ng sapatos na isinusuot o ang namamanang depektong porma ay kadalasang dahilan ng ganitong kondisyon. Ang bunion ay nagiging napakasakit kung magsusuot ng masikip na sapatos at maaring magkalyo.

Tips:

1.Magsuot ng sapatos na mayroong maluwag na entrada at gawa sa soft leather.

2.Bumili ng sapatos na i-stretch o luwagan sa bahagi na may bunion.

3.Magsuot ng sandals o magagaan na sapatos tuwing tag-init.

4.Kung malaki ang depekto ng paa, kinakailangan ng sapatos na sadyang ginawa para rito.

FRACTURES SPRAINS STRAINS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with