_ngayon
^

Narito na ang nCoV

KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2020 - 12:00am

Wala pang isang linggo ang nakalilipas ay wala pa ang Pilipinas sa lisatahan ng mga bansang may kaso ng novel coronavirus (nCoV). Pero dahil sa walang prenong pagpasok ng mga Chinese sa ating bansa, ayun nalusutan na tayo ng nakamamatay na nCoV. Araw pa lamang ang lumipas isang turistang Chinese ang nakalusot sa NAIA na may dalang sakit. At ngayon lalo pang nadadagdagan ang Persons Under Investigation (PUIs) dahil nga sa nCoV.

Nagdeklara na ang World Health Organization (WHO) ng Global Emergency dahil naikalat na sa iba’t ibang parte ng mundo ang nCoV. Dito sa atin kapag may ganyang pangyayari imbes na magtulungan, umaariba ang mga mapagsamantalang kababayan.

Nandiyan ang pagbebenta ng mga pekeng gamot sa nCoV. Nandiyan din ang mga mapagsamantalang mga negosyante. Kung tayo ay nanonood o nagbabasa ng ba-lita halos hindi mahulugang karayom ang dami ng taong bumibili ng face masks. Nagkakagulo pa dahil naubusan kuno ng stock. Ang nakakaawa nating mga kababayan ay pinapatulan na ang mahal na bentahan ng face mask para lamang may panabla sa nakahahawang nCoV.

Hindi pa man humuhupa ang sakit ng ulo nating naranasan sa pagputok ng Bulkang Taal heto at may kasunod na. Ang nakababahala nito pag ‘di agad mapigilan  ay may posibilidad na kumalat sa buong bansa. Lalo na sa mga matataong lugar. Kailangan maging alerto ang mga eskwelahan dahil malaking problema kung napasok ng sakit ang mga estudyante.

Para sa akin huli na para sa travel ban na sinasabi ni Pres. Digong Duterte. Sana noong wala pa ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang hindi napasukan ng nCoV ay pinigilan na ang pagpasok ng mga Chinese maaring nCoV free tayo hanggang sa kasalukuyan.

Ang maaari na lang nating gawin ngayon ay sundin ang payo ng mga doctor: palakasin ang immune system at panatilihing malinis ang katawan.

NCOV PUIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with