Rayuma, osteoarthritis at rheumatoid arthritis
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - August 1, 2019 - 12:00am

ANG arthritis ay pamamaga ng kasu-kasuan (joints). Maraming klase ng arthritis.

Osteoarthritis:

Sa pag-edad, halos lahat ng tao ay nagkaka-osteo­arthritis.

Ang osteoarthritis ay pamamaga ng cartilage o butong-mura sa dulo ng mga buto dahil napudpod, kaya masakit at maga mula sa pagkiskis o paggalaw.

Ang dahilan ng pagkakaroon ng osteoarthritis­ ay maaring namamana, dating injury o pinsala, sobrang­ pagtatrabaho at pag-edad.

Kapag mataba o mabigat ka, mas magdidikit-dikit ang buto sa likod at tuhod dahil sa bigat ng ka­tawan.

Rheumatoid arthritis:

Ang rheumatoid arthritis ay sakit sa immune system kaya namamaga ang lining ng kasu-kasuan.

Ang mga dapat kainin pag may osteoarthritis o rheumatoid arthritis ay mga pagkaing laban sa pamamaga tulad mga pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids tulad ng tawilis, tamban, dilis, hasa-hasa, galunggong at talaba.

Kumain din ng mga antioxidants o mayaman sa vitamin C tulad ng papaya, kalamansi, suha, repolyo, kamatis, bayabas, mangga, berdeng sili (bell pepper) at singkamas.

Kumain ng may beta-carotene o vitamin A gaya ng mga dilaw na gulay at prutas, kamote, mangga, papaya at kalabasa.

Dagdagan din ng pagkaing may vitamin D para tumibay ang buto gaya ng pula ng itlog, talaba, sardinas, tawilis, tamban, soya milk at kabute.

ARTHRITIS OSTEOARTHRITIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with