^

PSN Opinyon

Mga sakit ng babae: Solusyon sa bahay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Bukol sa suso – Lahat ng babae edad 20 pataas ay kailangan matuto magkapa ng kanilang suso. Gawin ito buwan-buwan bago at pagkatapos magka-regla. Humarap sa salamin at tingnan ang suso. May pagkakaiba ba ang kanan at kaliwang suso? Habang nakatayo, salatin ang suso mula sa utong (nipple). Gamitin ang dulo ng dalawang daliri at kapain ng paikut-ikot ang suso. Mag-umpisa sa nipple at hanggang sa papalabas. Pagkatapos ay humiga naman sa kama at ulitin ang pagkapa ng suso. Bago matapos, kapain din ang kili-kili para maghanap ng kulani (lymph nodes). Kung may bukol kayong nasasalat, magpatingin sa inyong surgeon o OB-gynecologist.

2. Ulcer o pangangasim ng sikmura – Huwag magpapa­gutom. Kumain ng madalas sa isang araw pero kaunti lang. Small, frequent meals. Mag-almusal, meryenda, tanghalian, meryenda at hapunan. Ang pag-inom ng tubig ng pakonti-konti sa buong araw ay makababawas sa asido ng sikmura. Magbaon din ng saging o tinapay para hindi sumakit ang tiyan. Umiwas sa pagkaing nakaka-ulcer tulad ng sili, orange, pineapple, calamansi, lemon, suka, mga sitsirya at gatas. Oo, nakakangasim ng sikmura ang gatas. Mas maigi pa ang yogurt.

3. Nerbiyos o hyperventilation syndrome – Maraming babae ang inaatake ng nerbiyos. Sila’y nakararamdam ng hirap sa paghinga, pamamanhid ng kamay, paa at labi. Minsan­ ay nahihilo sila, at lumalakas ang pintig ng puso. Kung kayo ay nakararanas nito, huwag matakot dahil nerbiyos lang iyan. Ang problema dito ay ang pagbaba ng carbon dioxide sa katawan dahil sa sobrang bilis ng paghinga. Ang solusyon diyan ay ang paggamit ng “brown bag technique.” Kumuha ng isang maliit na bag na gawa sa papel. (Huwag ang plastic bag.) Itakip sa bibig at ilong at dito huminga ng dahan-dahan. Gawin ito ng 15-30 minutes. Ang gusto natin mangyari ay malanghap mo ulit ang hangin (carbon dioxide) na iyong inilalabas. Sa ganitong paraan, mawawala ang iyong nararamdaman.

4. Masakit ang puson o menstrual cramps - Ang solusyon sa menstrual cramps ay ang pagpapahinga. Itulog mo ang sakit. Umiwas muna sa mga stress, trabaho at meetings. Maligo ng maligamgam na tubig para ma-relax ang iyong puson. Patungan ng medyo mainit na bote ang iyong puson. Sabi ng iba, ang sex daw ay nakatutulong din sa menstrual cramps

ULCER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with