^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Paglilitis kay Duterte

Pilipino Star Ngayon

Sa Nobyembre 30, 2026 magsisimula ang paglilitis kay dating President Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng tatlong counts ng crimes against humanity ng murder at attempted murder na iniuugnay sa kanyang kampanya kontra droga. Noong nakaraang Abril, kinumpirma ng ICC ang mga kaso laban sa kanya, at noong Oktubre ay idineklara siyang fit to stand trial.

Magdadalawang taon nang nakakulong sa The Hague Headquarters si Duterte makaraang arestuhin sa bisa ng ICC warrant. Inaresto siya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang manggaling sa Hong Kong kasama ang common-law wife na si Honeylet Avancena at anak nilang si Kitty. Inabot ng ilang oras bago naisakay si Duterre sa eroplano na nagdala sa kanya sa The Hague. Si dating PNP chief Nicolas Torre ang umaresto kay Duterte.

Sa paglilitis sa dating Presidente, mahala­gang yugto ito para sa mga pamilyang matagal nang naghahanap ng katarungan. Pero hindi dapat sa ICC lamang nakasalalay ang paghaha­nap ng hustisya.

Ang trial sa The Hague ay tutukoy sa individual criminal responsibility ni Duterte batay sa ebidensiyang ihaharap sa korte. Hindi pa ito hatol. May karapatan siyang depensahan ang sarili, kuwestiyunin ang ebidensiya at magkaroon ng patas na paglilitis.

Kasabay nito, dapat ding magkaroon ng pag­kakataong marinig ang mga biktimang pinahintulutang lumahok sa proceedings. Mahigit 500 victims na ang awtorisadong lumahok, at maaari silang maglahad ng kanilang views at concerns sa ilalim ng mga patakaran ng ICC.

Pero anuman ang maging resulta sa ICC, may sariling obligasyon ang Pilipinas.

Kung may mga pulis, commanders o iba pang opisyal na maaaring lumabag sa batas, dapat silang imbestigahan ng ating sariling mga institusyon batay sa ebidensiya.

Kung may mga inosenteng napatay, kaila­ngang malaman kung paano ito nangyari at kung sino ang dapat managot. Kung may mga pagkukulang sa sistema, kailangang ayusin ang mga ito upang hindi na maulit.

Hindi rin sapat ang pagkakaroon lamang ng kaso laban sa isang dating pangulo. Ang mas malaking tanong ay kung kaya ba ng ating justice system na managot ang sinuman, mataas man ang posisyon o ordinaryong opisyal, kapag may sapat na ebidensiya.

Ang ICC trial ay maaaring magbigay ng ilang sagot, pero hindi nito kayang gawin ang lahat para sa atin. Ang tunay na pananagutan ay mang­yayari lamang kapag kaya rin ng Pilipinas na harapin ang sarili nitong kasaysayan, alamin ang katotohanan at tiyaking ang batas ay umiiral para sa lahat.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with