^

PSN Opinyon

Mga aroganteng Chinese

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

KUNG napatunayang nagsasabi ng totoo ang mga mangi­ngisdang Pinoy na nasagip, tama nga sigurong iwasan na ni President Digong na dumikit sa China. Kaibigan bang matatawag ang ginawa nila sa mga kababayan natin? Ma­tapos bungguin ang bangka, mukhang sinigurado pang ma­mamatay ang mga kababayan natin. Baka binalikan pa nila ito at siniguradong papalubog na ang bangka tapos nilisan nila ang lugar. Bilang isang Pilipino, nakakangitngit ang ginawa ng mga sinasabing kaibigan nating bansa.

Halimbawa mang aksidente ang nangyari dapat sana’y tinulungan man lamang nila ang mga taong nanganganib ang buhay. Marami na akong nababasa at naririnig na kuwento tungkol sa pambu-bully ng mga Intsik sa ating mga kababayang mangingisda pero sa puntong ito dapat nang basagin ang aking pananahimik bilang isang kolum­nista dahil dumating na sa puntong iisa-isahin na nilang palubugin ang mga bangka ng ating mga mangingisda sa ating sariling teritoryo.

Kung pananatilihin natin ang pananahimik, umpisa na ‘yan at meron pang kasunod. Anupa’t tinagurian tayong Pilipino habang nasusugatan ay lalong tumatapang kung lagi na lang nating palalampasin ang ginagawang pambu-bully sa atin ng mga Chinese.

Panahon na siguro upang ipaglaban ng gobyerno ang sariling atin. Di naman tayo lalaban sa madugong pamamaraan. Kaya malakas ang loob ng mga aroganteng Chinese na apihin ang mga kababayan nating mangi­ngisda dahil sa ipinangangalandakan ni Digong na hindi natin ka­yang labanan ang China kaya ayan ang tingin nila sa atin ay mga duwag. Ngayon pa lamang ay naghahari-harian na sila sa ating teritoryo.

Gising Pilipinas! Huwag patulug-tulog ang gobyerno at baka kamukat-mukat natin, buong bansa ay pag aari na ng China. Di ba noong Araw ng ating Kalayaan merong nagwawagayway ng bandila ng China.

vuukle comment

CHINA

PINOY FISHERMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with