^

PSN Opinyon

Pangarap ng ex-OFW na maging milyonaryo, natupad!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NATUPAD na pangarap!

Pumuti na ang buhok ng dating overseas Filipino Worker (OFW) sa paghihintay kung s’ya ba ay magiging milyonaryo o hindi.

Kahit nasunog ang kanyang tiket, hindi nawalan na pag-asa si Antonio Mendoza ng Batangas dahil may kautusan na ang Korte Suprema na nanalo nga s’ya sa Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Kaya naman naantala ang pagiging milyonaryo ni Mendoza dahil pinalantsa ng kanyang anak ang kanyang winning tiket na nalukot at nasunog ang numero nito.

Kaya’t makikita ang sobrang katuwaan sa mukha ni Men­doza ng personal na iabot sa kanya ni PCSO General Ma­nager Melquiades Robles ang P12.3 milyong tseke na napa­nalunan n’ya sa Lotto 6/42 na binola noong Oktubre 2, 2014. Dipugaaaaa!

Ipinaliwanag ni Robles na ang pagkakaloob ng premyo kay Mendoza ay kasunod ng pinal na desisyon ng Korte Suprema at awtorisasyon ng Commission on Audit (COA) hinggil dito. Get’s n’yo mga kosa? 

“PCSO has a duty to protect the integrity of the lottery and to pay winners that they are legally owed. In Mr. Mendoza’s case, the Supreme Court determined what was due, and the Commission on Audit authorized payment. Today, we are carrying out those decisions,” ayon kay Robles. Sal-it!

Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa kanyang kuwento sa media, sinabi ni Mendoza na tatlong lucky pick bets ang kanyang tinayaan sa isang Lotto outlet sa Bgy. Dacalao, Calaca, Batangas.

Habang nirerebisa n’ya ang kanyang winning tiket na nanalo ng grand prize, sinabi ni Mendosa na biglang inagaw ng apo n’ya ito sa kamay n’ya kaya’t nalukot ito.

Sa kagustuhan naman aniya ng kanyang anak na unatin ang nalukot na tiket ay plinantsa ito. Nasunog at umitim ang isang bahagi ng tiket. Anong sey n’yo mga kosa?

Sa kabila ng pangyayari, hindi nasiraan ng loob si Mendoza at dinala ang nasunog na tiket sa PCSO noong Oktubre 5, 2014. Hindi kaagad sila nagkasundo ng pamunuan ng PCSO at hinanapan s’ya ng mga dokumento.

Matapos ang dalawang araw ay bumalik siya sa PCSO office at nagsumite ng affidavit upang ipaliwanag ang nangyari.

Ang maganda dito kahit sunog na ang ibang bahagi ng papel,  makikita pa rin sa tiket ang lotto outlet kung saan niya ito tinayaan, gayundin ang draw date nito, at dalawang unang numero ng bawat taya. Wow na wow!

Hehehe! Ambot sa kanding na may bangs!

Lumitaw rin naman sa transaction record ng PCSO na iisang tiket lamang ang naibenta ng lotto outlet para sa naturang draw na tumutugma sa tatlong set ng visible numbers at isa sa mga ito ang tugma sa winning combination ng Lotto 6/42.

Mga kosa, masaganang Pasko ito para sa pamilya ni Mendoza! Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with