^

PSN Opinyon

Kahanga-hanga

BANAT NI BATAGUIS - Bening Bataguis - Pilipino Star Ngayon

TAMA ang kasabihan “pag may tiyaga may nilaga”. Iyan ang tinatamasa ngayon ni Jerry G. Pendoro ang founder/chairman ng 1 Rider Power Team International Corp. Noon kasi isang ordinaryong motorcycle rider lamang itong si Jerry ng Navotas City kung kaya malaya niyang nalibot ang mga lalawigan ng Luzon at Visayas. At sa kanyang paglilibot napag-aralan niya kung ano ang solusyon sa kahirapan lalo na ang gastusin sa kanyang paglalakbay. Diyan niya nakuha ang munting kaalaman at magpursige na makaahon sa buhay. Noon ay nagbebenta lamamg siya ng mga café, sabon at juicies ng 1 Goal International na nakabase sa Ortigas.

Sa matiyagang pagbebenta, napag-isipan niyang ibahagi ang kanyang kaalaman sa ilang kapwa motorcycle rider noong 2008. Doon na dumami ang kanyang natulugan kaya nang sumapit ang 2011 ay binuo niya ang 1 Rider Power Team Inc., na bawat kasapi ay hini-ngan niya ng membership fee na P2,999.00. Ang perang nabanggit ay pondo ng bawat kasapi sa produktong ilalabas  nila sa 1 Goal International. Naging maganda ang buhay ng bawat sumapi sa kanyang team kaya lalo itong lumawak at umabot sa mahigit 100. Dumami na ang kanyang branches sa Luzon at Kabisayaan. Dahil sa kanyang kasipagan, maraming malalaking kompanya ang nahikayat sa kanyang networking foundation kaya lalong lumaki. Sa ngayon ay kinilala na itong 1 Rider Power team International Corp., matapos kilalanin sa iba’t ibang bahagi ng mundo. 

Subalit may ilan tayong mga kababayan na likas na may kasakiman sa pera. Ilang beses na siyang nalagay sa kahihiyan at asunto nang kumalas sa kanyang kompanya ang limang miyembro na gahaman sa pera. Nagkamal sila ng milyong piso sa produktong inangkat sa ilalim ng pangalan. Dahil malaki na ang nakokolektang pera, hindi nagre-remit ang mga ito kaya lumobo ang utang sa  kompanya. Ang masakit patuloy na ginagasgas ang pangalan ni Jerry. Sumadsad ang kompan-ya ni Jerry.

Ngunit kinikilala ang kre­dibilidad ni Jerry sa lahat ng mga kompanya na kanyang pinagkunan ng puhunan kaya muli siyang tinulungang makabangon. Sa kanyang pagbangon lalo itong lumaki at marami ang sumapi.

Ngunit ngayon ay iba na ang pamamalakad ni Jerry. Dahil lahat ay nasa ayos ang pamamalakad, dumadaan na sa screening sa tulong ng isang kilalang abogado. Kaha-nga-hanga ang abilidad ni Jerry Pendoro na dapat tularan.

vuukle comment

DAHIL

GOAL INTERNATIONAL

INTERNATIONAL CORP

JERRY

JERRY G

JERRY PENDORO

KANYANG

LUZON

NAVOTAS CITY

NGUNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with