^

Metro

Ex-pulis patay sa drug operation

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang dating pulis nang makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police sa isinagawang drug operation sa   Napocor Village, Brgy. Pasong Tamo, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Victor Pagulayan, hepe ng QCPD station 3-Talipapa, ang nasawi na si ex-PO3 Cezar Obligacion, dating nakatalaga sa QCPD station 3-Talipapa. Namatay noon din ang dating parak sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Kaugnay nito, sinabi ni C/Insp. Nazario Fabula, ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) QCPD station 3-Talipapa, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na magsasagawa ng transaksyon ng droga sa naturang lugar kung saan dealer umano ang dating pulis.

Agad nagtungo sa lugar ang mga operatiba ng SAID sa pamumuno ni Fabula para alamin ang naturang ulat at habang papalapit sila sa lugar, naispatan ng mga pulis ang suspek habang nag-aabot ng isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu sa isa nitong kostumer.

Sisitahin sana ng mga pulis ang suspek subalit agad itong bumunot ng baril saka pinaputukan ang mga pulis dahilan para gumanti naman ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with