Face-to-face classes sa Maynila, suspendido hanggang Biyernes
MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ni Manila Mayor Honey Lacuna ang suspensiyon ng face-to-face (F2F) classes sa public elementary at high schools sa lungsod hanggang sa Biyernes dahil pa rin sa nararanasang matinding init ng panahon.
Ayon kay Lacuna, ang suspensiyon ng F2F classes ay epektibo mula ngayong Huwebes, hanggang Mayo 3.
Dagdag pa ng alkalde, sakop din ng suspension ng klase ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UDM).
Samantala, nilinaw ni Lacuna na hindi sakop ng kautusan ang mga pribadong paaralan, gayundin sa mga national public institutions sa higher education.
Ayon kay Lacuna, ang suspensiyon ng F2F classes sa mga naturang paaralan ay ipinauubaya niya sa kani-kanilang school administration.
Gayunman, hinihikayat ni Lacuna ang mga ito na magpatupad na lamang din ng alternatibong mode of learning na angkop sa kanila.
- Latest