^

Metro

Killer ng nurse, 1 pa sa Caloocan kinasuhan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kasong criminal ng Caloocan City Police ang lalaking bumaril at nakapatay sa isang nurse at construction worker na tumulong lang sa kanya nang sumemplang sa motorsiklo noong Linggo ng gabi sa Caloocan City.

Sa report ng Caloocan City Police, kinasuhan ng two counts ng murder ang suspek na si Joel Andrada Vecino, ng Block 6 Lot 11 Badjao St. Saint Dominic, Brgy. 168, Caloocan dahil sa pagkasawi nina Mark John Aurey Blanco, 38, isang nurse, at Willy Manarom, 39, construction worker.

Lumilitaw na hindi tunay na aide o security ng sinumang pulitiko si Vecino na unang pakilala nito, at sa halip ay nagtatrabaho bilang assistant detachment commander ng Great  Star Security Services sa kanilang relocation site sa Laguna.

Una nang pinagsisigawan ng suspek habang inaaresto na security officer siya ng isang dating national politician.

Matatandaang sumemplang sa kanyang motorsiklo si Vecino dala ng matinding kalasingan nitong Linggo sa panulukan ng Road 17 at Road 6 Lagumbay St. Upper Congress, Caloocan City. Tinulungan naman siya nina Blanco at Manarom na makatayo subalit imbes na magpasalamat ay bigla na lamang silang pinagbabaril nito.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with