^

Dr. Love

Na-meet ang idol sa Tiktok

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago na lamang ninyo ako sa pangalang Mae Anne. Mahilig po akong manood ng mga video sa tiktok.

Isa sa mga hinahangaan kong account ay ‘yung may sumasayaw na lalaking malaki ang katawan at sexy kong sumayaw. Hangang hanga ako sa kanya nang mag-trending ang sayaw niyang Macho Papa.

Gustong gusto ko siya kasi ang galing ng mga steps niya at kung paano siya sumabay sa sounds. Marami rin siyang followers, halos 1M na.

Pangarap ko ngang makita siya ng personal. Ang akala ko ay imposible, pero nang i-chat siya ng cousin ko, nag-reply siya agad. Tuwang tuwa ako nang mga araw na iyon.

Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa araw na magkikita kami. Lahat ay inihanda ko na, pati ang susuotin ko. Para mukhang girl na girl ako.

Sinama ako ng pinsan ko at ang hindi ko alam, excited din pala si insan na makita ang machong idol ng tiktok.

Hayun nasapawan ako ni insan. Ang akala ko, ako ang magugustuhan ni idol, pero si insan ang lagi niyang kinakausap at eto ako umaasa na lang na makikita ko siyang muli. Pambihira kasi itong si insan, inagawan pa ako ng eksena.

Mae Anne

Dear Mae Anne,

Walang naman masama sa paghanga natin sa isang sikat na tao. Lalo na kung talagang mahusay.

Pasalamat ka na rin sa pinsan mo, dahil sa kanya nakita mo ang tiktok idol mo.

Huwag mo siyang awayin. Ang maganda, magtulungan kayo para maka-date ninyo uli si Macho Papa.

Basta set your limits. Ingatan ang sarili sa lahat ng oras.

Kilalanin muna ninyong mabuti si idol, isang paraan din ito para maging close kayo at humaba pa ang inyong ugnayan.

Paalala uli, unahin muna ang mga obligasyon bago mag-tiktok nang mag-tiktok.

DR. LOVE

 

 

vuukle comment

TIKTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with