^

Dr. Love

Magkakapatid ang prospect

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang binata ako na walang bisyo. Ang pangarap ko lang ay magka-gf. May nililigawan po ako kapitbahay namin. Tatlo silang magkakapatid puro babae.

Unang niligawan ko ‘yung panganay. Ok naman sana, kaso mas matanda sa akin at medyo mataray kaya hindi ko na itinuloy ang panliligaw ko sa kanya, kahit siya ang totoong tipo kong babae.

Sinabihan ko lang ng I love you... nagalit na agad sa akin.

Tapos mga ilang buwan, ‘yung pangalawa naman nilang kapatid...gusto ko sanang ligawan.

Kaso mahiyain naman kapag nakikita ako, papalapit pa lang ako biglang tumatakbo papasok sa bahay nila.

Mabait ang tatay nila binibiro pa nga ako na itong pangalawa na lang ang ligawan ko para maging malakas ang loob na humarap sa tao.

Kilala ako ng mga magulang nila kaya ma-lakas ang loob kong ligawan sila.

Parang sa bunso nilang kapatid hindi na rin ako uubra, kuya ang tawag sa akin. Pero siya ang kasundo ko sa kanilang tatlo.

Magaganda sila at wala akong masabi sa pakikisama ng kanilang magulang sa lugar namin.

Buong barangay nga kilala ang pamilya nila.

Mas gusto kong ligawan ang ate nila kaso ako naman ang pinanghihinaan ng loob sa katarayan.

Dekdek

Dear Dekdek,

Ang panliligaw naman ay hindi agad-agad na sasagutin ka ng babaeng gusto mo.

Syempre mainam na magpapogi point ka muna.

Tama na muna ‘yung I love you. Ituloy mo lang ang iyong magandang pakikitungo sa kanilang magulang at sa magkakapatid.

Huwag mo nang balaking ligawan lahat silang tatlo.

Ang ligawan mo muna ay ang mga magulang.

Para tumaas ang pogi points mo.

Kapag medyo nakakasundo mo na sila saka ka na lang dumiskarte ng malupet.

Pakita mong gentleman ka at maalalahanin.

Minsan bigyan mo ng chocolate silang tatlo.

Magastos nga lang pero matutulungan ka lalo na ng bunso para mapalapit sa kanilang ate.

Goodluck sa’yo!

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with