^

Dr. Love

Tinukso

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Cez, 25 an-yos, dalaga at nagtatrabaho bilang sekretarya ng isang chief operations officer ng malaking kompanya.

Maganda ako at liberated, at marami na ring malalaking tao ang nakarelasyon. Ang boss ko ay may asawa na pero matikas  at halos kasing edad ko lang.

Kakaiba siya sa mga nakarelasyon ko, dahil this time, feel ko na mahal ko siya.

Minsan nang mag-birthday siya, ipinasya kong bigyan siya ng kakaibang regalo na ‘di niya malilimutan.

Pagdating niya sa office, kami lang dalawa sa kuwarto. Binati ko siya ng happy birthday kasabay ng mahigpit na yakap at siniil ko siya ng halik sa labi.

Una’y naramdaman ko na nagustuhan niya ang ginawa ko pero sa isang iglap ay galit niya akong ipinagtulakan.

Sabi niya, huwag ko raw siyang tuksuhin dahil mahal niya ang asawa niya.

Agad siyang nagpasya na ilipat ako ng department at talagang hiyang hiya ako sa ginawa ko.

Akala ko ang pagiging magiliw niya sa akin ay nangangahulugan na may gusto siya sa akin. At in-interpret ko ‘yun bilang mutual understanding sa pagitan namin. Pero ngayon ay sising-sisi ako sa malaking kahihiyan na ginawa ko.

Gusto kong mag-resign na lang dahil ramdam ko na pinagtsitsismisan na ako sa office.

Tama ba ang gagawin ko?

Cez

Dear Cez,

Oo, mas mabuti kung magbibitiw ka na lang at baka ikaw pa ang maging rason para maeskandalo ang boss mo na tingin ko ay marangal at disente.

Baguhin mo na rin ang pananaw mo na lahat ng lalaki ay kaya mong tuksuhin.

Maaaring magtagumpay ka pero ang lalaking magpapatukso sa iyo ay mababahiran ng dungis.

Humanap ka na lang ng ibang trabaho at huwag mo nang lalandiin ang magiging amo mo. Bad iyan!

Dr. Love

vuukle comment

CEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with