^

Dr. Love

May gf ang crush

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Nabz, relate na relate ako sa kantang “Selos”. Kasi hindi ako pinapansin ng crush ko. Lagi na lang akong umaasa na mapapansin niya. Klasmeyt ko siya sa General Psychology. 

Maaga nga ako laging gumigising. Kahit ang mama ko nagugulat kapag MWF, sobrang aga kong pumasok. 

Hindi ako mapakali sa pag-aayos dahil nga magpapa-impress ako sa crush ko. 

Kaso may gf na siya, klasmeyt din namin. Alam ng tropa ang sikreto ko. Kaya tinutulungan nila akong mapalapit sa kanya. 

Mailag siya dahil sobrang magbantay ang gf niya. Gusto na nga yatang isilid na niya sa palda niya si crush. Hindi niya alam, ako nga ang nagseselos sa kanya. 

Minsan nahuli niya akong nagtatanong kay crush. Aba, nakaamba na akala mo nanay na nagbabawal sa anak. Wala akong magawa kundi ang magnakaw ng atensyon. Isang sul-yap, masaya na ako. Naiinis ako sa sarili ko, bakit sa may gf pa ako nagkaka-crush.

Nabz

Dear Nabz,

Mahirap talagang i-handle ang nararamdaman kung crush mo ang isang tao. May tendency na kahit ano gagawin mo basta’t mapansin ka lang. Totoo ‘yun, ikaw pa talaga ang makakaisip na inaagaw ng iba ang crush mo. 

Kapag lalaki ang may crush, madali lang ipakita sa babae o magparamdam sa crush mo. Pero kapag ang girl at nalamang may crush sa lalaki, sasabihin ng iba na easy to get ka. 

Lagi mo lang pigilan ang sarili mo. 

Kapag lumalapit ang crush mo, minsan dedmahin mo para hindi ka laging obvious. 

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with