^

Dr. Love

Hinahangad na ang nilait na suitor

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Seventeen pa lang ako nang ligawan ni Ador. Guwapo siya pero isa lang karpentero, kaya binasted ko.

Pero masugid siyang manligaw kaya nilait-lait ko siya. Napag-isip ko rin na naging marahas ako sa aking salita.

Gusto ko kasi ay makapag-asawa ng mayaman dahil ipinanganak ako sa mahirap na pamilya. Hindi ko batid na matalino si Ador at isang scholar sa UP.

Nakatapos siya at naging matagumpay na CPA. Nabalitaan ko na mayaman na siya at binata pa sa isang common friend.

Gusto kong makipagkita sa kanya at humi-ngi ng sorry sa ginawa kong mga panlalait. Ipinaabot ko ito sa aming common friend pero ang sagot daw niya ay busy siya pero pinapatawad na niya ako. Sana ligawan niya akong muli. Ano ang gagawin ko para kami ay magkita?

Lota

Dear Lota,

Kung ako ikaw, hindi ko na haha-ngaring ligawan pa ni Ador matapos mo siyang hamakin. Iisipin lang niya na hindi mo siya mahal kundi ang kayamanan lang niya ang habol mo. Sapat nang naipaabot mo ang paghingi mo ng tawad at pinatawad ka na niya.

Sa status niya ngayon, malamang may girlfriend na siya kaya huwag mo na siyang habulin.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with