_ngayon
^

Bansa

Duterte pinangunahan ang Bonifacio Day

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang paggunita ng ika-158 kaarawan ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City.

Sa kaniyang talumpati, hinikayat ni Duterte ang mga Filipino na tularan ang kabayanihan ni Andres Bonifacio at mag-ambag sa nation building lalo na ngayong nahaharap sa maraming pagsubok ang bansa.

“As we commemorate these events, I invite every Filipino to become a hero like Bonifacio by participa­ting actively in our nation-building efforts, especially in those challenging times when we have to secure our nation’s 2health, safety, and wellness,” ani Bonifacio.

Sinabi rin ni Duterte na dapat gayahin ng mga kabataan ang pagmamahal ni Bonifacio sa bayan kahit pa sa pinakasimpleng paraan.

“In this light, I call on our kababayans to emulate Gat Andres Bonifacio’s strong sense of civic duty, courage, love of country in our daily lives even in the simplest ways,” ani Duterte.

Pinasalamatan din ni Duterte ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) dahil sa restoration at rehabilitation ng mga historical at cultural landmarks na magpapakita sa mga bagong henerasyon nang makulay na kasaysayan ng bansa.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with