^

Bansa

Minority bloc ‘boykot’ sa VP Sara trial, inilutang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Minority bloc ‘boykot’ sa VP Sara trial, inilutang
Vice President Sara Duterte.
Inday Sara Duterte via FB

MANILA, Philippines — Inilutang ni Sen.­ ­Robin Padilla ang posibilidad na boykotin o hindi na dumalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang mga senador na kasapi ng minorya sa Senado dahil umano sa pagbalewala sa batas.

Nilinaw ni Padilla na bagaman at hindi pa napag-uusapan ng minority bloc ang posibilidad na lumiban sa impeachment trial, pero maaaring pag-usapan ito sa lalong madaling panahon.

“Wala pong ­ganoong usapan pero baka malapit na po,” ani Padilla.

Tinutulan din niya ang desisyon ng Senate impeachment court na ang two-thirds voting threshold ay ibabase sa bilang ng mga senador na legal at aktuwal na makakadalo sa araw ng botohan.

“Marami po kasing kagulat-gulat na mga nangyayari. Huwag na po nating i-identify kung minority, majority kasi hindi maganda kapag impeachment tapos kami ay namomolitika pa. Kami po na naniniwala na sundin ang saligang batas,” ani Padilla.

“Ayaw naming maba­luktot ang batas. Kapag hindi tumigil ang pagbabaluktot ng batas ay baka dumating sa punto na hindi na kami ­umattend,” dagdag niya.

Una nang naghain sina Padilla at Sen. Bong Go ng petisyon na humihiling sa Supreme Court na ideklarang walang bisa ang desisyon ng Senate impeachment court kaugnay ng voting threshold.

Noong Huwebes, lumipat si Sen. Mark Villar mula minority patungo sa majority bloc matapos siyang ihalal ng Senado bilang miyembro ng Commission on Appointments at chairman ng Senate Committee on Public Works.

Dahil sa paglipat ni Villar, binubuo na nga­yon ng 14 na miyembro ang majority bloc, habang 10 ang nasa minority at apat sa mga ito ang hindi dumadalo sa mga sesyon. Nakakulong sina Sens. Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta, nagtatago naman si Sen. Bato dela Rosa habang si Sen. Loren Legarda ay nasa ibang bansa dahil sa karamdaman.

Umaasa si Padilla na wala nang iba pang senador mula sa­ ­minority ang lilipat kasunod ng paglipat ni Villar.

MINORITY

SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with