Pope Leo, nakitaan ng nodule sa baga, sasailalim sa operasyon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Pope Leo kahapon na nakatakda siyang sumailalim sa isang operasyon ngayong linggong ito matapos na makitaan ng localized nodule sa kanyang baga.
Sa kanyang lingguhang Sunday prayer sa St. Peter’s Square, sinabi ng 71-taong gulang na Santo Papa na ang localized nodule ay nadiskubre matapos siyang isailalim ng mga doktor sa isang medical check up.
Tiniyak naman ng Santo Papa na well-contained at nakita agad ng mga doktor ang nodule sa early stage pa lamang nito.
Sa payo na rin aniya ng mga doktor, pumayag ang santo papa na agad ba maoperahan, at nakatakda na aniya itong isagawa sa susunod na ilang araw.
“Recently, during some medical examinations, doctors found a localized nodule in my lung,” anang Pope. “It was detected at a very early stage and is well contained.”
“The doctors believe it is advisable to intervene, so, following their advice, I have decided to undergo surgery to remove it,” aniya pa. “The operation is already scheduled for the next few days.”
- Latest























