^

Bansa

Truth Commission: ICC ruling nagbigay-daan para sumalang na si Duterte sa paglilitis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala nang sagabal sa pag-usad ng paglilitis sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ito ay matapos pagtibayin ng ICC Trial Chamber III na may kakayahan si Duterte na humarap sa paglilitis na nakatakdang magsimula sa Nobyembre 30.

Ayon sa Philippine Truth Commission, malaking hakbang ito para sa mga biktima ng madugong war on drugs ni Duterte. Sinabi ni Commissioner Carlos Conde na inalis na ng korte ang huling malaking hadlang sa matagal nang hinihintay na paglilitis.

Batay sa desisyon ng ICC, nauunawaan ni Duterte ang mga reklamong kinakaharap niya at kaya niyang makipagtulungan sa kanyang mga abogado sa paghahanda ng depensa, kaya hindi na maaaring gamitin ang kalusugan bilang dahilan upang maantala ang proseso.

Ang Truth Commission, na pinamumunuan ni dating ICC judge Raul Pangalangan, ay nabuo upang idokumento ang mga umano’y paglabag sa karapatang pantao kaugnay ng drug war at itaguyod ang pananagutan at hustisya para sa mga biktima.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with