^

Pang Movies

Puso bago na naman...Gary V., 45 years na ang diabetes

Salve V. Asis - Pang-masa
Puso bago na naman...Gary V., 45 years na ang diabetes
Gary V.

MANILA, Philippines — Kumpirmadong magpapaalam na ang OPM icon Gary Valenciano sa mga higanteng entablado upang magbukas ng bagong yugto sa kanyang career.

Nagkaroon ng official announcement ang le­gendary Filipino-Puerto Rican performer at inspirational icon na sikat din bilang Mr. Pure Energy sa kanyang upcoming project na pinamagatang Pure Energy: One Last Time.

Nauna na niya itong sinabi sa kanyang post last December pa.

Marami nga ang na-excite sa kanyang announcement at marami rin ang nagbalik-tanaw sa kanyang mga tagahanga at sa mga industry insider.

At nagpasilip din si Gary sa isang significant shift sa kanyang apat na dekadang karera.

At mangyayari ang concert project sa SM Mall Of Asia Arena (MOA) sa darating na Abril 26 at 27.

Sa nakalipas na apat na dekada, katumbas ng pangalan ni Gary ang mga chart-topping hits, high-energy performances, at ang kanyang walang katulad na galing sa connection sa mga mano­nood ‘di lamang sa Pilipinas ngunit sa buong mundo na rin.

Nabiyayaan si Gary na magtanghal sa pinakamalalaking venue sa mundo, mula sa Luneta Grandstand kung saan humigit 500,000 ang nanood hanggang sa Tamar Site sa Hong Kong kung saan nag-perform siya sa Hong Kong Harbor Music Festival noong 2003.

Noong 2023, minarkahan ni Gary ang kanyang 100th solo show sa Music Museum sa kanyang matagumpay na sold-out at 10-night concert series na Gary V: Back At The Museum. Mula sa initial run nito na apat na shows noong Agosto 2023, dalawang beses itong na-extend, at pinapakita nito ang enduring appeal at impact ng kanyang musika at performances.

Nakakuha rin siya ka­makailan ng multiple standing ovations sa kanyang jam-packed North American tour.

Marami ang nag-isip na magreretiro na si Gary sa titulo ng kanyang upcoming MOA Arena na Pure Energy: One Last Time.

Ngunit nilinaw niya na hihinto siya sa pagbibida sa mga solo show sa  higanteng venues gaya ng mga arena at mga dome, pero hindi naman mawawala ang kanyang pagmamahal sa musika at pagtatangghal. Sa katunayan, magpe-perform pa rin naman daw siya sa mga malalaking venue kapag may kasama siyang ibang mga artist.

Kumbaga hindi na siya magko-concert na mag-isa lang ng tatlong oras at literal na walang pahinga o CR break man lang.

Kaya malinaw na hindi naman magre-retire, mag-slow down lang si Gary.

Anyway, kakapanalo lang niya ng GEM Awards bilang Best TV Host para sa kanyang kontribusyon bilang isa sa mga major music pillars ng ABS-CBN. Nananatili siyang aktibo sa ASAP Natin ‘To tuwing Linggo ng tanghali. Bilang isang mentor, naging judge at coach ang 12-time Awit Awards Best Male Recording Artist recipient sa The X-Factor Philippines, Your Face Sounds Familiar, It’s Showtime’s Tawag Ng Tanghalan, at Idol Philippines, kung saan isa siya sa judges ngayong 2024.

Kaya naman marami ang nagtatanong kung bakit siya mag-step back? Simple lamang ang sagot.

Hi goodbye ang Pure Energy: One Last Time.

Ito ay transition aniya. Sa kabila ng resistance mula sa kanyang team, siya ay nagdesisyon.

Mamarkahan diumano ng concert series na ito ang huling beses na magtatanghal siya ng concert na ganito kalaki dahil gusto niyang ibalik ang biyaya sa mga mas maliit na venues at sa mga fundraiser.

Sa kanyang recent heartfelt post sa kanyang Instagram account, binahagi ni Gary: “I’m celebrating 40 years of doing what I’ve always loved most. And with gratitude in my heart for the One source of Pure Energy, I look forward to the new chapters, seasons, beginnings, and horizons that lie ahead. It’s time…Let’s Go Big…ONE LAST TIME!!!”

Marami ang naiyak. Marami ang nagprotesta. May mga news channel na nagsabing ito na ang kanyang farewell show. Kaya naman inulan ng mga tanong ang kanyang social media sites.

Klinaro naman ni Gary na maghaha­nap siya ng ibang paraan para kumonekta sa kanyang fans.

Matapos din niyang pagdaanan ang ilang medical challenges gaya ng kanyang 45 taon na laban sa Type 1 diabetes, isang heart bypass surgery, kidney cancer, dengue fever, COVID-19, at ang katatapos lamang na angioplasty kung saan nilagyan siya ng dalawang stents sa kanyang heart artery noong Pebrero 3, naisip niya na baka kailangan niya ng less stressful activities.

Ngunit sinabi ng kanyang cardiologist na si Dr. Enrique Posas na pwedeng-pwede pa ring humataw si Gary habang sinabi niya na “You have a brand new heart.”

Isang linggo matapos ang kanyang operasyon sa puso, sumasayaw at nagtatatalon si Gary kasama ang 2,500 fans sa Southridge, Alabang!

Anyway, maaaring abangan ng fans na mano­nood ng Pure Energy: One Last Time ang isang meticulously crafted show na ihahain ang biggest hits ni Gary na fan favorites.

With stage direction by Paolo Valenciano and musical direction by Mon Faustino, ipapakita ng concert ang multi-faceted talents ni Gary tulad sa mga dati niyang ginagawa.

Mapupunta ang proceeds ng concert sa Valenciano family advocacy, ang Shining Light Foundation.

In high demand ang tickets para sa Pure Energy: One Last Time, at para mas maging available ang tickets para sa fans, inayos ng SM MOA Arena team seat plan ng venue para mas marami ang makabili.

Sold out na sa SM Tickets ang lahat ng premium seats noong unang weekend na ni-release ang tickets online. Nagtutulungan naman ang Manila Genesis team, ang production and management group ni Gary sa nakalipas na 38 ton, at ang ticketing team ng SM MOA Arena, at nakikiusap sila sa fans sapagkat i-a-adjust ang stage design at video walls para mas marami ang makapanood.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with