^

Pang Movies

May ‘blessing’ daw ni Atong Ang...Gretchen papasukin na ang pulitika?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
May �blessing� daw ni Atong Ang...Gretchen papasukin na ang pulitika?!
Gret­chen Barretto

Awwws malaki-laki raw talaga ang chance na kumandidato si Gret­chen Barretto sa 2025 midterm elections.

Binanggit na ng source kung anong district sa lugar sa Maynila, pero baka raw magkaroon agad-agad ng intrigahan kaya ‘wag muna naming isulat.

Pero congress diumano ang target ni Gretchen.

At ang kasama raw sa pumipilit sa dating actress na mag-pulitika, ang negosyanteng si Atong Ang.

Yup, diumano ito ang kasama sa mga nagpapatakbo kay La Greta.

At excited diumano si Gretchen sa idea.

So humanda ang makakalaban niya.

Hindi na shocking kung kakandidato man si La Greta.

Maalalang tinawag siyang ‘santa ng mga ayuda’ dahil sa ginawa niyang pag-aayuda sa maraming taga-showbiz noong kasagsagan ng pandemic.

Hindi siya nakuntento sa pagpapadala ng tinatawag niyang Love Boxes at saku-sakong bigas sa media at mga dating kasamahan sa showbiz, binigyan din niya ng tulong ang mga health worker.

Namigay siya noon ng bigas sa ilang mga ospital ng gobyerno, lalo na ang San Lazaro at Philippine General Hospital.

Ganundin ang ilang LGUs sa Cavite at Rizal na nakatanggap din ng mga sako ng bigas mula sa tinawag ngang ‘Our Lady of Ayuda.’

Ang dami rin niya noong nabigyan ng wheelchair.

Sa umpisa, nang marinig ng mga tao ang tungkol sa mga love box at mga donasyong bigas ni GB, naisip nila na susubukan nga nito ang pulitika.

Pero hindi naman. Ito ‘yung nakaraang election.

Sorpresa noon ang pag-aayuda ni La Greta.

At masaya ang mga nakakatanggap.

At bakit hindi sila dapat magsaya? Imported ang nakalagay sa mga love box na ‘yun na malaking bagay dahil nga pandemic.

Malinaw, hindi nagtipid si Gretchen nang magdesisyon siyang ibahagi ang kanyang mga blessings.

Anyway, wala man sariling social media ay visible naman si La Greta sa mga post ng mga malalapit niya friends na acitve sa social media like Dra. Aivee Teo.

Anak ni Camille may promise ring

Wow, kakabilib naman na may vow ang mom and son - Camille Prats and Nathan, anak ni Camille Prats sa first husband niyang si Anthony Linsangan at anak ng mister niya ngayong si VJ Yambao na si Ice na manatiling pure hanggang makilala nila ang makakasama sa habang buhay.

Sa post nga ni Camille ay ipinakita nitong may suot na promise rin ang dalawang anak nila sa previous marriage ng mister: “Grateful for tonight’s meaningful event! We made a vow together as mom and son to stay pure until he finds the one whom he wants to bring to God to spend the rest of his life with. (Matagal pa yoooon thank God ) Nate, i pray that God will impress it upon your heart the importance of staying pure in obedience to Him in a world that believes otherwise. As we have learned and experienced, obedience brings… blessings.

May your heart be blessed and be aligned to God’s will for your life.

Love you forever boys.

@nathanielcaesarr @iceyambao

“Blessed are the pure in heart, for they shall see God.” Matthew 5:8.”

Sixteen years old si Nathan habang 20 si Ice.

Si Edgar Allan Guzman ang unang nagsabi na may ‘vow’ sila ng girlfriend niyang Shaira Diaz.

Pero aminado si EA na hindi madaling maging celibate.

Nauna nang sinabi ng actor na naipangako niya ito sa girlfriend at sa pamilya nito na hindi sila tutulad sa ilang showbiz couples na nagli-live in muna bago pakasal.

Kaya naman marami ang pumuri sa kanya.

“Sa lahat ng mga humahanga, maraming salamat po and kaya ninyo rin ‘yan. Kung kaya ko, kaya ninyo rin ‘yan. So kami lang naman ni Shaira hindi namin ‘yun sinabi or in-announce because gusto lang namin magpasikat. Gusto rin namin na may mapulot silang magandang lesson sa amin. About sa relationship namin and ‘yung love namin sa isa’t isa,” bahagi ng actor sa isang naunang interview namin.

Naging practice ng marami celebrity ang pre marital sex o live in muna.

Charlene, hindi mahilig sa party

Parang intimate celebration lang ang birthday ni Charlene Gonzales kahapon.

Walang malakihang party.

Si Aga Muhlach ay may pagbati lang na “Happy birthday my love!!! @itsmecharleneg love you very much! ”

Fifty years old na kahapon ang former beauty queen at mommy ng kambal na sina Andres and Atasha.

Ever since ay hindi ma-party ang mag-asawa.

Anyway, hindi natulad ang mag-asawa sa showbiz couples na naghiwalay samantalang sandali lang silang nag-on bago ikinasal.

Happy birthday Charlene.

vuukle comment

GRET­CHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with