^

Pang Movies

Aktor na umaming beki, biglang nawalan ng raket

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Feeling sad and lonely ang aktor na nakakaramdam ng matinding depression dahil bukod sa walang regular show, naghiwalay sila ng kanyang boyfriend.

May mga nagsasabi sa aktor na nagkamali siya ng desisyon na aminin na kapwa lalake rin ang gusto niya.

Mula nang mag-come out ang aktor, hindi na siya nabibigyan ng mga project sa TV at pelikula. Pati ang mga indecent proposal na dating natatanggap niya, biglang nawala.

May mabuting kalooban ang aktor kaya sana, malampasan niya ang depression at mabigyan na rin siya ng regular show para mabawasan ang kanyang sadness at emptiness na nararamdaman.

Negosyo ni Cris mahirap nang pantayan

Hindi na rin madaling abutin ang success ng Kamiseta Skin, Kamiseta Apparel, Kamiseta Hotel at Vanilla Pastries business ni Cris Roque.

Sobra ang sipag at tutok sa negosyo ni Cris kaya halos wala itong pahinga sa pag-discover ng mga bagong technology, fashion at ibang mga bagay na kinahihiligan ng kababaihan kaya hindi kataka-taka na halos maubos ang stocks ng Kamiseta na naglabas na rin ng real people size.

Hindi basta pang-petite women ang mga damit na mabibili sa Kamiseta branches.

Masasarap din ang mga bagong labas na ready to cook food ng Vanilla. Ang sarap ng mga pagkain kaya ‘yung iba, hindi na nagpapagod na pumunta sa palengke para mamili ng kanilang mga iluluto. Nagsasadya na lang sila sa Vanilla Pastries.

Kudos talaga sa  young ladies of substance na tulad ni Cris na successful ang lahat ng mga negos­yo. Congrats!

Local celebs sa Japan naki-Halloween party!

Ang Japan ang destination ng ilang artista na type na ma-experience ang Halloween doon.

Magkasama na nagbakasyon sa Tokyo si Gabbi Garcia at ang kanyang boyfriend na si Kahlil Ramos.

Spotted din sa Japan sina David Licauco, Kyline Alcantara at Heart Evangelista na kagaga­ling lang sa Rome.

Bongga si Heart dahil halos hindi na mabilang ang out of the country trips niya ngayong 2019. Sunud-sunod ang mga imbitasyon na natatanggap ni Heart dahil sa pagiging social media influencer niya.

Ang gaganda naman ng mga picture ni Paolo Ballesteros sa isang train station sa Japan. Naloka ang mga Japanese nang makita nila si Paolo na Cruella Devil ang Halloween costume.

Sighted din sa Japan ang real-life lovers na sina Vice Ganda at Ion Perez. Hindi napapanood sa It’s Showtime ang dalawa mula pa noong Lunes dahil nagbabakasyon nga sila sa Japan.

Sinamantala rin ni Bela Padilla ang pagkakataon na maki-join sa Halloween party sa Japan. Kasama ang director na si Paul Soriano, dumalo si Bela sa opening ceremony ng Tokyo International Film Festival 2019 at sa world premiere ng Mañanita na official entry   sa Main Competition Section ng Tokyo International Festival. Tuwang-tuwa sina Paul at Bela dahil positive ang reviews sa kanilang pelikula na critically-acclaimed din.

vuukle comment

CRIS ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with