^

Punto Mo

Magiging illegitimate ba ang mga anak?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Magiging illegitimate po ba ang mga anak ko kung ako ay magsampa ng kaso para mapawalang-bisa ang kasal ko sa ama nila base sa psychological incapacity? —Chacha

Dear Chacha,

Hindi po magiging illegitimate ang mga anak ninyo kung ipawalang-bisa ng korte ang kasal ninyo sa ama nila base sa psychological incapacity.

Ayon sa desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Republic v. Tangarorang (G.R. No. 272006, 5 February 2025), mananatiling legitimate ang mga anak kahit na mapawalang-bisa ang kasal ng kanilang mga magulang dahil sa psychological incapacity.

Sa nasabing kaso ay ipinanganak pa nga ang anak bago ikinasal ang magulang, at kahit na idineklara ng korte na walang bisa ang kanilang kasal, sinabi ng Korte Suprema na ang bata ay nananatiling legitimate.

Kapag ang kasal kasi ay idineklarang void dahil sa psychological incapacity, hindi nito pinapawalang-bisa ang status ng pagiging legitimate ng mga anak, isinilang man sila bago ang kasal ng kanilang mga magulang o habang may bisa pa ito.

Binigyang-diin din ng Korte Suprema na hindi rin puwedeng baguhin ang status ng mga anak mula legitimate sa illegitimate, dahil ito ay labag sa layunin ng batas na pangalagaan at siguruhin ang karapatan at kapakanan ng mga bata.

Kaya kung sakaling mapagbigyan ang petisyon ninyo na ipawalang-bisa ang inyong kasal dahil sa psychological incapacity, mananatiling legitimate ang mga anak ninyo sa ilalim ng batas.

CHA CHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with