^

Punto Mo

Babantayan ni Ghostbuster Ping Lacson ang 2027 budget, lagot kayo!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGBABALA si Sen. Ping Lacson na hindi niya palulusutin ang mga dinobleng budget lalo na’t may kaugnayan sa mga proyektong nabigyan na ng pondo na naging ghost project lang ng mga ulupong na DPWH Officials at mga pulitikong magnanakaw.

Tulad ng mga bilyones na pondong laan na diniskartehan ni Sen. Alan Peter Cayetano na hindi naman talaga pinakinabangan ng mahihirap na mamamayan ng Taguig bagkus ay pansariling diskarte lang marahil para makagawa ng residential/commercial reclamation program.  Inusisa ito ni Lacson at mukang may patutunguhan. Nakalimutan lang siguro na hindi na siya untouchable at malamang na hidi rin bailable kapag tinuluyan siya ni Ping.

Pangunahing kailangan ng bayan ang pangasiwaan ang kalusugan at pulidong edukasyon. Nagiging sakitin ngayon ang mahihirap na guro at estudyante sa mga mataong lungsod dahil sa init at kontaminadong hangin mula sa nabubulok na kapaligiran. Kinukulang sa pangangalaga ang mga pampublikong mga ospital sa mamamayan.  Ang henerasyon nila ang sasalo sa epekto ng mga pangu­ngurakot ng mga namumuno sa bayan. Nakapagtataka ba kung bakit mapupurol ang isip ngayon ng mga kabataan?

Garapal na farm to market roads at flood control ghost projects nang mga nakaraang taon ang sumakote sa mga pondong dapat na pakinabangan ng mamamayan. Ang mga pulitikong sangkot ay namamayagpag pa hanggang ngayon at dumidipa pa sa loob ng senado na parang walang naging usapin. Marami pa sa kanila ang dapat na makulong. Magpabida ka naman DOJ Sec. Fredderick Vida!

Magpapahinga muna ang mga prosecution at defense lawyers, samantalang ang mga senator judges naman ay uusisain ang mga pangunahing proyektong na napaglaanan ng budget ng mga kongresista na siyempre, una silang makikinabang. Puwede nga bumale muna sa contractors eh! ‘Di ba?

Pagkatapos ng Senate Impeachment trial ni Sara at mailatag ang hatol ng mga Senator Judges, hagupitin naman kaya ni Ombudsman Boying ang mga senador at kongresista na may sabit sa nakaraang multi million at bilyones na korapsyon? Malapit na ‘yun. Aber ngaa?

DPWH

SENATOR PANFILO LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with