^

Punto Mo

Masasayang araw ng 2 kriminal, winasak ni Gen. Silvio!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng robbery group na pinamumunuan ni alyas ‘‘Joseph’’ ng maengkuwentro sila ng tropa ni PRO5 diector Brig. Gen. Randy Glenn Silvio sa Legazpi City, sa Albay.

Sinabi ni Silvio na itong si Joseph at tatlong miyembro n’ya ang nasa likod ng gunrunning, robbery, at iba pang ilegal na pagkakitaan sa Bicol Region.

“Palipat-lipat sila ng probinsiya kung tumira kaya’t mahirapan sila ma-pattern. Kaya lang alam n’yo naman ang lahat ng kasamaan ay may katapusan,” ani Silvio. Sal-it!

Sinabi ni Silvio na nagtataka ang mga kakilala nitong tropa ni Joseph dahil walang namang trabaho subalit malakas kung magsabong at palaging taya sa inuman. ‘Yaon pala malakas silang kumita sa raket nila.

Kaya’t nang pinaputukan nila ang tropa ni Silvio sa buy-bust operation sa Legazpi City, gumanti kaagad ang mga pulis. Mahirap na! Kaya’t hayun, goodbye na lang sa masasayang araw nila.

Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon naman kay Lt. Col. Edison Ouano, deputy RD ng PRO5, ganito ang modus ng tropa ni Joseph. Nagsasagawa sila ng casing operation kahit saang probinsiya ng Bicol at ang target nila ay ‘yaong nga malalaking bahay na walang tao. May dalang bolt cutter at iba pang gamit ang mga loko, ani Ouano.

Kapag siniguro nilang abandonado ang bahay, papasukin nila ito, at lilimasin ang laman, at kapag minalas ang houseowner, pati vault nito ay tatangayin,

Ang huling biktima ng tropa ni Jpseoh, ayon kay Ouano, ay ang taga-Sorsogon, na ang vault na naglalaman ng P1 milyon. Sa kuha ng CCTV footage, dinala ng tropa ang vault, sakay sa isang motorsiklo, at iniwan ito sa masukal na bahagi ng lugar, mga 500 metro ang layo sa ninakawang bahay. Binalikan nila ito gamit ang ibang sasakyan tsaka lumayas. Get’s n’yo mga kosa?

Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Dahil sa dami na nilang atraso sa batas, iniutos ni Silvio ang paghabol sa tropa ni Joseph, at nagkaroon sila ng breakthrough nang komontak ito sa asset ni Ouano upang magbenta ng kalibre .45 sa halagang P21,000.

Pagkatapos mag-abutan, naramdaman ni Joseph at kasamang si alyas Win, na pulis ang kanilang kausap sa Purok 5, Bgy. Rawis. Pinaputukan nila ito at sa kamasaang palad isang pulis ang tinamaan.

Siyempre pinapurihan ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ang tropa ni Silvio sa kanilang magandang accomplishment. ‘Yun lang? Abangan!

ROBBERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with