^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (88)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“B-BINO sa p-pinakamalapit na ospital mo ako dalhin. H-hindi ko talaga kaya ito! Parang m-mamamatay na ako sa s-sakit!’’ sabi ni Reagan habang nakabaluktot sa upuan sa tabi ni Bino.

“Opo Manedyer. Sa pinakamalapit kita dadalhin. Konting tiis lang. Bibilisan ko pa para makarating agad tayo. Kaya mo yan, Manedyer.’’

Hindi na sumagot si Reagan. Nanatili ito sa pagkakabaluktot sa upuan.

Binilisan ni Bino ang pagpapatakbo at makalipas ang labinlimang minuto ay natanaw niya ang pangalan ng ospital sa gilid ng highway.

“Narito na tayo Manedyer!’’

Hindi sumagot si Reagan pero kumilos ito sa pagkaabaluktot.

Ipinasok ni Bino ang sasakyan at ipinarada sa tapat ng Emergency Room.

Pagkatapos ay mabilis na bumaba para alalayan si Reagan.

Agad lumapit ang mga staff ng ospital. Pinagtulungan na maisakay sa stretcher si Reagan.

“Ano pong karamdaman ng pasyente, Sir?’’ tanong ng isang staff kay Bino.

“Masakit po ang tiyan!’’

Dinala na si Reagan sa emergency room. Nagbalik sa Navara si Reagan at dinala ito sa parking area. Pagkatapos ay mabilis na nagtungo sa emergency room na kinaroroonan ni Reagan.

Naabutan niyang tsinitsekap ng lalaking doctor si Reagan. Halata sa itsura ni Reagan na masakit na masakit ang tiyan.

Ipinasya ni Bino na magtungo sa waiting area. Doon na lang muna siya habang hinihintay kung ano ang resulta sa karamdaman ni Reagan.

Makalipas ang 30 minuto, muling bumalik si Bino sa emergency room. At nakausap niya ang doctor na tumingin kay Reagan.

“Pumutok ang appendix. Kailangang operahan siya,’’ sabi ng doctor.

Iyon pala ang dahilan ng pagsakit ng tiyan ni Reagan. (Itutuloy)

 

LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with