Sa PRO6, ang kalikasan ay pinoprotektahan!
PANG-2 Star na ‘to!
Dahil sa nalalapit na Kapaskuhan, nanawagan ni PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño sa publiko na magtapon ng basura sa tamang lugar, iwasang bumili ng produktong ilegal na kinuha mula sa kagubatan, at sumunod sa mga regulasyong naglalayong pangangalagaan ang kalikasan at mga pampublikong lugar.
Ang hakbangin ni Tuaño ay upang pangalagaan ang mga kagubatan, karagatan, at likas na yaman ng Western Visayas sa ilalim ng Project Tanid Kalikasan 6.
Hinihikayat din ni Tuaño ang mga mangingisda, negosyante, at iba pang mamamayan na agad iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang anumang hinihinalang paglabag sa mga batas pangkalikasan.Mismooooo!
Binibigyang-diin ng PRO6 director na ang pangangalaga sa kalikasan ay responsibilidad ng bawat isa. “Ang bawat pagkilos upang maprotektahan ang ating mga kagubatan, karagatan, at pampublikong lugar ay nakatutulong sa pagbuo ng mas ligtas, malusog, at maunlad na mga komunidad sa buong Western Visayas,” aniya.
“Hindi natin dapat balewalain ang ating mga kagubatan, ilog, at karagatan. Ang mga ito ang pinagkukunan ng kabuhayan, nagbibigay-proteksyon sa ating mga komunidad, at magsisilbing yaman ng susunod na henerasyon,” ang pahayag ni Tuaño.
“Patuloy nating ipatutupad ang mga batas pangkalikasan, ngunit ang pangmatagalang tagumpay ay nakasalalay sa pagpapasya ng bawat mamamayan na pangalagaan ang kalikasan sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Kailangan namin ang pakikiisa ng publiko sa responsibilidad na ito,” ang dagdag pa ni Tuaño.
Hehehe! Kelangan pa bang i-memirze ‘yan?
Kaya’t nasa tamang landas lang si Tuaño sa isinusulong na kampanya laban sa gawaing nagbabanta sa kalikasan at kabuhayan ng mga mamayang umaasa sa likas ng yaman, hindi lamang nitong kapaskuhan, kundi sa buong taon.
Mula Agosto 15 hanggang Nobyembre 23, nagsagawa ng 372 operasyon laban sa illegal fishing at naaresto ang 499 indibidwal at nakumpiska ang isa at kagamitan na nagkakahalagang P27 milyon. Ang Antique PPO ang may pinakamaraming inaresto sa 219 indibidwal. Wow na wow!
Sa pagtotroso naman, may isinagawang 1,256 ang ikinasang operasyon at 396 katao ang inaresto at nakarekober ng 1,061 sako ng uling, table at iba pang produkto mula sa kagubatan na nagkakahalaga ng P2.9 milyon.
Teka, teka! Maging kontra sa air pollution, ay kumilos din si Tuaño sa katunayan may kabuuang 1,186 operasyon silang isinalang kontra sa paninigarilyo na ikinahuli ng 499 na lumabag sa mga ordinansiya at kumita pa ng P832,911 na multa. Ayosssss!
Mga kosa, payag ba kayong ma-promote na si Tuaño? Abangan!
- Latest















