Sir Juan (115)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

“ANO, Mahinhin, nakatingin pa ba si Nectar?’’ pabulong na tanong ni Sir Juan habang nakadikit ang mukha kay Mahinhin.

“Hindi ko makita, Sir Juan. Baka nakakubli.’’

“Ano sa palagay mo, punta na tayo sa room mo?’’

“Sige Sir Juan. Baka may iba pang boarders na makakita sa atin e isiping pakawala ako o pokpok.’’

“Oo nga. Baka sumama ang imahe mo sa iba pa. Halika na! ’’

Nagtungo sila sa room ni Mahinhin. Nang sulyapan nila ang kinakukublihan ni Nectar, wala na ito.

Nang makapasok sila sa room ni Mahinhin ay nagkuwentuhan pa sila. Tungkol pa rin kay Nectar ang kanilang topic. Mukhang hindi pa matatapos ang kanilang problema kay Nectar. Sa kabila na ipinakikita nila kunwari na may relasyon sila, hindi pa rin ito sumusuko. Lalo pa yatang nag-iisip nang masama para makaganti kay Mahinhin.

“Parang walang epekto ang paghahalikan natin, Sir Juan. Ilang beses na tayong nahuhuli ni Nectar pero wala yatang balak umalis.’’

“’Yan din ang nararamdaman ko, Mahinhin. Parang lalo lamang siya natsa-challenge.’’

“Ano ang gagawin natin Sir Juan?’’

“Basta ituloy natin ang pag-arte na mayroon tayong relasyon. Kapag hindi na nakatagal si Mahinhin sa nakikita sa atin, aalis ‘yan. Kailangan lang siguro e maging matiyaga tayo. Tapangan pa natin ang ginagawa.’’

“Paanong tapang Sir Juan?’’

“Ipakita natin na mainit na mainit kunwari ang paghahalikan natin. Iyan ay kung papayag ka.’’

Nag-isip si Mahinhin.

“Sige Sir Juan. Tapangan pa natin ang paghahalikan.’’

“Okey. Sasabihan kita kung kailan.’’

“Sige Sir Juan.’’

Lumabas na si Sir Juan.

ISANG gabi, marahang tinungo ni Nectar ang room ni Sir Juan. Manipis na manipis ang suot niya. Halos kita na ang “kaluluwa”.

Sarado ang pinto. Hina­wakan niya ang door knob. Pinihit. Bukas!

Itinulak niya. Nasamyo niya ang bango ng kuwarto,

Wala si Sir Juan! Nasaan kaya? Pinagmasdan niya ang kama. Mukhang may nakahiga dahil sa ayos ng kumot at unan. Baka nasa comfort room!

Naghintay siya. Naka-ngiti siya sa gagawin.

Maya-maya nakarinig siya ng yabag.

Binuksan ang pinto. Si Sir Juan!

Nagtago si Nectar sa ilalim ng kama. (Itutuloy)

ACIRC ANG ANO JUAN MAHINHIN MUKHANG NANG NATIN SIGE SIR JUAN SIR SIR JUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with