^

Police Metro

BIR commissioner Lumagui, nagbitiw

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsumite na rin ng courtesy resignation si BIR Commissioner Romeo Lumagui bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-resign ang mga cabinet secretary.

 Sa Palace briefing, sinabi ni  PCO Undersecretary Claire Castro na ang courtesy resignation ay hindi lamang para sa mga cabinet secretary kundi gayundin sa  heads of agencies na may Cabinet rank,  heads of agencies at presidential advisers and assistants.

Ayon kay Lumagui, naiintindihan niya na ang hakbang na ito ni Pangulong Marcos ay isang paraan niya upang mas higit na mabigyan ng mahusay na serbisyo ang mamamayan.

Pinasalamatan din niya ang Pangulong Marcos sa pagbibigay ng pagkakataon na makapagsilbi sa mamamayan.

Aniya, hangad niya na ang tagumpay ng Pangulo na maiangat ang kabuhayan ng sambayanang Pilipino.

ROMEO LUMAGUI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with