DSWD, itinigil pag-isyu ng AICS guarantee letters
MANILA, Philippines – Simula Nobyembre 30, 2026 ay pansamantalang sususpendihin muna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapalabas ng mga guarantee letter (GL) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Ito ang sinabi ni DSWD Asst.Secretray at spokesperson Irene Dumlao ay upang isagawa ang taunang liquidation at pagbabayad sa mga service provider.
“Atin po munang pansamantalang ititigil ang pag-issue ng guarantee letters sa ating AICS upang mabigyan ng panahon ang Departamento na makumpleto ang taunang proseso ng liquidation at mabayaran ang mga obligasyon nito sa mga service provider, Kinakailangan po natin ito para masigurado na tuluy-tuloy ang serbisyo sa susunod na taon,” dagdag ni Dumlao.
Tiniyak ni Dumlao sa publiko na ang mga indibidwal at pamilyang dumaranas ng krisis ay maaari pa ring humingi ng agarang tulong pinansyal sa pamamagitan ng mga Field Office at satellite office ng DSWD sa buong bansa.
Babalik ang pag-iisyu ng mga guarantee letter ng DSWD-AICS sa unang opisyal na araw ng trabaho sa Enero 2027.
- Latest
















