_pang-masa
^

Police Metro

9 heneral na sabit sa droga pinaiimbestigahan

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang pagkakasangkot ng siyam na heneral sa drug trafficking.

Ang kautusan ni Eleazar ay kasunod ng pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) na siyam na   high-ranking police officials ang sangkot sa drug trafficking.

Tiniyak naman ni Elea­zar na tututukan at bubusisiin ang kaso dahil walang lugar sa orga­nisasyon ang mga pulis lalo na ang mga sangkot sa droga.

“Iimbestigahan na­ting mabuti ang bagay na ito. Aalamin at tutukuyin natin ang matataas na opisyal sa PNP na sinasabing sangkot sa iligal na droga,” ani Eleazar.

Una nang sinabi ni Surigao del Norte Representative Robert “Ace” Barbers na isusulong niya ang congressional inquiry sa pagkakasangkot ng siyam na general. - Joy Cantos, Mer Layson

DRUG TRAFFICKING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with