4 pulis-Cavite, huling natutulog habang naka-duty
MANILA, Philippines — Agad na sinibak sa puwesto ang apat na pulis na naaktuhang natutulog sa kanilang trabaho habang 3 pa ang absent sa isinagawang surprise inspection ni Cavite provincial director P/Sr. Supt.William Segun kahapon ng madaling araw.
Ang mga pulis ay kinilalang sina PO2 Marife Flores, WCPD-Kawit police na absent ng nasabing inspection; SPO1 Miguel Aquintey, PCP Commander, nahuling tulog sa oras ng duty; PO1 Mark Capili, hindi nakauniform sa duty; PO1 Lubigan, Duty PNCO, absent sa oras ng duty pawang mga pulis ng Gen. Trias; PO1 David, desk officer; PO2 Ahvegail Darang, duty Investigator; PO1 Mary Grace Teves, duty SDO, pawang pulis ng Rosario, na mga tulog sa loob ng presinto sa oras ng duty.
Nabatid na dakong alas-2:00 ng madaling araw nang isagawa ni Segun ang surprise inspection sa bawat istasyon ng kapulisan sa lalawigan.
- Latest