Bautista target ang silya sa 3rd round
Chris Co (Pang-masa) - September 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangad ni Ian Clark Bautista na makahirit ng tiket sa third round sa men’s featherweight (57 kgs.) division ng 2019 AIBA World Bo­xing Championships sa Yekaterinburg, Russia.

Haharapin ng Asian Championships bronze medalist na si Bautista si Mirko Jehiel Cuello ng Argentina na nakahirit ng opening-round bye.

Target ni Bautista na masundan ang kanyang 5-0 unanimous de­cision win kay Viliam Tan­ko ng Slovakia sa first round.

Nakatakdang sumalang kagabi sina two-time Southeast Asian Games champion Eumir Fe­lix Marcial at Carlo Pa­alam sa kani-kanilang dibisyon.

Sasabak si Marcial kon­tra kay No. 2 seed Tarik Allali ng Morroco sa men’s middleweight (75 kgs.) at lalabanan ni Paalam sa men’s flyweight class (52 kgs.) si Istavan Izaka ng Hunga­ry.

Una nang nawala si­ Ku­­ala Lumpur Southeast Asian Games gold me­da­list John Marvin na nagpasyang mag-withdraw sa second round ng light heavyweight division matapos magtamo ng sugat sa ibabaw ng kilay.

Yumuko naman si James Palicte sa first round ng men’s light wel­terweight (63 kgs.) kay Jose Manuel Wafara ng Colombia via 0-5 una­nimous decision loss.

Target ng tropa na ma­lampasan ang isang tansong medalyang na­ku­ha ng Pilipinas noong 2015 edisyon. 

 

BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with