^

PM Sports

UST iiwas matalo sa AdU

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines – Para makahirit ng playoff para sa No. 4 spot sa Final Four kailangan ng University of Sto. Tomas na talunin ang talsik ng A­damson University sa pagharap nila sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong araw.

Nasa ika-5 puwesto sa team standings ang UST hawak ang 7-6 record habang magkasalo sa No. 3 ang defending champion De La Salle University at Far Eastern University na may tig-8-5 karta.

Kapag tinalo ng Grow­ling Tigers ang Soaring Falcons ngayong alas-5 ng hapon ay paniguradong makakalaro sila ng playoff dahil magkatapat ang Green Archers at Tamaraws sa Sabado sa ganap na alas 2:30 ng hapon sa Smart.

“At this point, we can’t even think about La Salle and FEU anymore. We’re just thinking of ourselves. Every single game is a do-or-die for us, and it shows in the way we play,” pahayag ni UST assistant coach Peter Martin.

Impresibo ang huling panalo ng UST nang patalsikin nila ang Ateneo de Manila University, 89-84 noong Nobyembre 15.

Sinandalan ng Grow­ling Tigers ang matikas na opensa nina Mark Llemit na kumana ng 20 points at pitong rebounds at Amiel Acido na nagtala naman ng 19 markers.

Maliban kina Llemit at Acido, kakapitan din ng UST ang pambato nilang sentro na si Collins Akowe.

Huhugot din ang UST ng lakas sa momentum matapos ikadena ang pangatlong sunod nilang panalo, ngunit mawawalan ng saysay ang kanilang paghihirap kapag tinalo sila ng Adamson.

Nakalasap ang UST ng 28-puntos na pagtambak sa kamay ng Adamson noong first round kaya asahang babawi ngayon ang Grow­ling Tigers.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with