^

Pang Movies

Gabby susubukan kung matutulad ang status kay Goma

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Palagay namin, masasabing ngayon nga ay nakakuha ng isa pang malaking break si Gabby Concepcion. Ginawa siyang bida ulit ng GMA 7 - sa Because of You. Base sa nakita naming trailer nila, ang role niya ay tutulong, magliligtas at siguro makaka-affair ng isang babaing nasira naman ang lovelife, na gagampanan ni Carla Abellana.

Malaking bagay iyan dahil ibinabalik nila si Gabby sa status ng isang leading man.  Doon sa iba niyang projects, maski na sa pelikula, mga supporting roles na lamang ang ipinagagawa sa kanya. Kaya nga sa palagay namin, wise decision iyong muli niyang paglipat ng network at pagpapalit din ng mga business associates niya.

Nang magbalik si Gabby sa showbusiness after more than ten years, iba na nga ang sitwasyon. May iba na ngang mga bida. May mga mas bata ng artista. Hindi na niya nabalikan iyong dati niyang status. Hindi maikakailang inasahan din niya ang isang proyekto na kasama ang dati niyang misis na si Sharon Cuneta, with the hope na kung mangyayari iyon ay mare-revive ang kanyang dating katayuan bilang artista. Pero tumanggi yata si Sharon. Nakasama niya sa pelikula ang anak niyang si KC, inendorso pa ni Sharon ang pelikulang iyon, pero siguro maski ang endorsement ng kanyang ex ay hindi sapat para iyon ay maging hit.

Kaya nga ngayon, malaking challenge iyang ginawa siyang bida ulit ng GMA7 sa Because of You. Nakalusot sa mga teleserye si Richard Gomez, at ngayon nga ay itinuturing siyang isang malaking star kahit na sabihin mong may mga batang matinee idols.

Malalaman natin kung magagawa rin iyan ni Gabby nga­yon.

Kung iisipin mo, maganda ang chances niya dahil kumandidato si Goma. Definitely hindi iyan makakatanggap ng trabaho dahil sa kampanya, at kung mananalo lalong matatali na iyan sa kanyang magiging trabaho sa Ormoc. Si Aga Muhlach, na isa pang popular na matinee idol ay mukhang hindi masyadong interesado ngayon sa showbiz. Puwedeng si Gabby ang mag-fill sa vacuum na iyon.

Tingnan natin kung ano ang kalalabasan ng Because of You.

Alden at Yaya Dub, hindi gagamit ng ‘shortcut’ sa ligawan

Matapos na tanungin ni Lola Nidora sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub kung “kayo na ba,” pinayuhan niya si yaya na “magpaligaw ka.”

Iyon ang gusto namin diyan sa kalyeserye eh, iyong magandang values na itinuturo ni Lola Nidora. Marami nga namang mga kabataan ngayon, nagkakilala lang sa Facebook, mag-syota na. Tapos malalaman mo na lang may nangyari na. Tapos  split na agad. Hindi na halos nangyayari iyong ligawan.

Diyan sa panahon ng ligawan, diyan mas nagkaka­kilala ang lalaki at babae. Diyan nila nasusukat kung sila nga ba ay magkakasundo kung sakali man at maging mag-asawa sila.

Hindi iyong nagkita lang sa Facebook, mag-syota na. Iyong mga ganoong relasyon ay hindi tumatagal kasi hindi nila nakikilala nang lubusan ang isa’t isa bago ang relasyon. Hindi talaga puwede ang short cut sa isang relasyon. Tama nga iyong maghintay ng tamang panahon.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BECAUSE OF YOU

CARLA ABELLANA

HINDI

KUNG

LOLA NIDORA

MGA

NGA

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with