^

PSN Palaro

Oconer determinadong masikwat ang titulo sa Ronda Pilipinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inspirado si George Oconer ng Go For Gold na makuha ang titulo ng LBC Ronda Pilipinas na isang koronang naging mailap sa kanya sa mga nakalipas na taon.

Sariwa pa si Oconer sa matagumpay na kampanya matapos magkampeon sa  2017 Brunei Cycling Classic kamakailan kaya’t determinado itong maipagpatuloy ang kanyang magandang ratsada sa paglarga ng Ronda Pilipinas.

Isa ang 24-anyos rider na paboritong maghari sa 14-stage race na tatakbo mula Pebrero 4 hanggang Marso 4. Na­nguna si Oconer sa dala­wang qualifying races noong nakaraang taon - sa Subic noong Nobyembre at sa Bacolod noong Dis­yembre,

“I’ve always dreamed of topping the Ronda Pilipinas and I feel this year will be the best year to do it because I’m mentally and physically prepared now,” ani Oconer na nagtapos lamang sa ikalawang puwesto noong 2015 edisyon sa likod ni two-time LBC Ronda champion Santy Barnachea.

Namayagpag din ang Go for Gold nang kunin nito ang team title sa Brunei - patunay na handang handa na ang kanilang tropa para sa Ronda Pilipinas.

Magsisilbing team captain ng Go for Gold si Ronnel Hualda kasama sina Jerry Aquino, Jr., Jonel Carcueva, Elmer Navarro, Agustin Queremit, Ryan Cayubit at Ismael Grospe.

Aarangkada rin ang Navy, Neopolitan, Ilocos Sur, Iloilo, Mindanao, South Luzon, Kinetix Lab-Army, Bike Extreme, Zambales, Salic at One Tarlac. (CCo)

vuukle comment

GEORGE OCONER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with