^

PSN Palaro

Krog handa na sa laban sa YOG

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Krog handa na sa laban sa YOG
Maritanya Krog.
POC Pool

MANILA, Philippines — Nasukat na ng siklistang si Maritanya Krog kahapon ang mga rutang gagamitin para sa women’s road race kaya naman nakahanda na ito na makipagpadyakan para sa masisilong medalya sa Dakar 2026 Youth Olympic Games, ngayong araw.

Bukod sa 17-taong-gulang na si Krog, sasabak din ang kapwa Pilipinong atleta na si Tchelzy Maayo sa larangan naman ng artistic gymnastics women’s individual all-around.

Isa pang pambato ng Team Philippines ay sa artistic gymnastics si Hillarion Palles III, sumabak din kahapon sa men’s individual all-around sa gymnastics.

“We’re only given two slots in the YOG and only the team and individual all-around events are programmed here,” sinabi ni  coach Reyland Capellan sa POC Media Pool. “We won’t have any chance at all anymore for the team gold, and in the all-around, it would be difficult for a podium finish, you have to be more than average in all apparatus.”

Ayon kay Capellan forte ni Palles ang vault at high bar, habang ang kay Maayo naman ay floor exercise at vault kung saan isang puntos na lang ay nakuha na sana niya ang tansong medalya sa Asian juniors championships sa Zunyi, China, nitong nakaraang Hunyo lang.

Ayon pa kay Capellan, kumpleto ang mga koponan ng Japan at China rito kaya sila ang paboritong magreyna at maghari sa kompetisyon.

Naniniwala naman si Maayo sa kakayahan nila kaya kumpiyansa at may positibong pananaw ito para sa Team Philippines na ipinadala sila ng Philippine Olympic Committee na pinamumunuan ni Abraham Tolentino at sinusuportahan ng Philippine Sports Commission na pinangangasiwaan ni Patrick Gregorio.

“I’ve been having fun so far as I try to get focused,” pahayag ni Maayo, “I’ll perform by best, medal or not.” Nagkaroon sina Krog at ang mga kalahok sa cycling ng kanilang unang opisyal na pagsasanay sa venue ng Corniche, isang 8.50-kilometrong ruta na medyo patag at may karagatang Atlantic bilang tanawin sa background ang kanilang tinahak.  

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with