^

PSN Palaro

Shakey’s V-League Army masusubukan sa Cagayan

Pilipino Star Ngayon

 Laro Ngayon

(The Arena,

San Juan City)

2 p.m. PLDT

vs Air Force

4 p.m.  Cagayan Valley vs Army

 

MANILA, Philippines - Ikaanim na sunod na panalo ang balak kunin ng malinis na Army sa pagbangga sa nagdedepensang kampeon Cagayan Valley  sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang naturang laro ay magsisimula matapos ang pagtutuos ng pumapa­ngalawang PLDT Home Telpad Turbo Boosters at Air Force Air Women sa alas-2 ng hapon sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s.

Pasok na sa quarterfinals ang apat na magtatagisang koponan pero mahalaga pa rin ang makukuhang panalo dahil bibitbitin nila ang baraha matapos ang elimination round sa susunod na round.

May limang sunod na panalo ang Lady Troopers at galing sa straight sets tagumpay laban sa PNP Lady Patrollers na sa 0-6 karta ay talsik na sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Tiyak na bibigyan ang Army ng magandang laban ng Lady Rising Suns na winalis ang 16 na laro tungo sa paghablot ng titulo noong 2013.

Ang National University Lady Bulldogs at Ateneo Lady Eagles ang dalawang koponan na napapaboran na umabante pa dahil kailangan na lamang nila ng isang panalo para magpatuloy ang paghahanap ng titulo sa liga. (ATan)

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORCE AIR WOMEN

ANG NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

LADY PATROLLERS

LADY RISING SUNS

LADY TROOPERS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with