^

PSN Palaro

Cebuana pupuwesto na sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sisikapin ng Cebuana Lhuillier Gems na okupahan na ang ikalawa at hu­ling awtomatikong puwesto sa semifinals sa pagharap sa nagdedepensang kampeon Blackwater Sports Elite sa pagpasok sa huling dalawang araw ng eliminasyon sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Meralco Gym sa Ortigas Ave., Pasig City.

Pangalawang laro da­kong alas-4 ng hapon magsisimula ang nasabing tagisan at ang makukuhang panalo sa Elite ay sapat na para samahan ng Gems ang walang talong NLEX Road Warriors sa Final Four.

Magkasalo ngayon ang Gems, Elite at pahingang Jumbo Plastic Giants sa 5-3 karta at kung manaig ang tropa ni coach David Zamar at manalo ang Giants sa Café France Ba­kers bukas, magkakaroon ng two-way tie sa 6-3 karta.

Ngunit tinalo ng Gems ang Giants sa naunang tagisan, 60-54, para umabante na.

Walang balak ang Elite na matalo sa larong ito dahil may tsansa rin sila sa mahalagang insentibo kung manalo sa Gems at matalo ang Giants sa Bakers.

Inspirado ang tropa ni coach Leo Isaac matapos malusutan ang Boracay Rum Waves (96-94) at Bakers (69-67) sa huling dalawang laro.

Hanap ni Isaac ang so­lidong paglalaro sa mga beterano na sina Allan Mangahas, Jericho Cruz, Reil Cervantes, Narciso Llagas at Kevin Ferrer upang matapatan ang larong ipakikita nina James Martinez, Marcy Arellano, Paul Zamar at Bambam Gamalinda ng Gems.

Palalakasin ng Cagayan Valley Rising Suns ang paghahabol para sa quarterfinals sa pag-asinta ng panalo sa talsik ng Razorbacks sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.

May 3-5 baraha ang Rising Suns at kasalo nga­yon ang Waves at Bakers para sa ikaanim at huling puwesto na magpapatuloy ng laban sa liga.

 

vuukle comment

ALLAN MANGAHAS

BAMBAM GAMALINDA

BLACKWATER SPORTS ELITE

BORACAY RUM WAVES

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DAVID ZAMAR

FINAL FOUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with