^

PSN Palaro

Elite pahihigpitin ang kapit sa No. 4 vs Waves

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kakapit pa ang nagdedepensang kampeon Blackwater Sports Elite sa ikaapat na puwesto sa pagbangga sa Boracay Rum Waves sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Ang larong ito ang siyang una sa triple-header at magsisimula sa ganap na alas-10 ng umaga.

Ang makukuhang panalo ng Elite ang babasag sa kasalukuyang 3-3 karta para manatiilng palaban pa sa awtomatikong puwesto sa semifinals.

Ang Cagayan Valley Rising Suns ay makakasukatan ang Café France  Bakers sa ikalawang laro dakong alas-12 bago magtagisan ang Hog’s Breath Café Razorbacks at Derulo Accelero dakong alas-2 ng hapon.

May 3-4 baraha ang Rising Suns at Waves upang maasama ng pahi­ngang Big Chill Superchargers sa ikalima hanggang ikapitong puwesto.

Sa format ng liga, ang mangungunang dalawang koponan ay aabante na sa semifinals habang ang sumunod na apat na koponan ang maglalaro sa quarterfinals kaya mahalaga rin ang maiuuwing tagumpay ng  Boracay Rum at Ri­sing Suns.

May 2-4 baraha ang Bakers habang 2-5 ang karta ng Razorbacks na kailangan ding manalo para manatiling buhay ang paghahabol na huwag mamaalam sa liga.

Apat na sunod na kabiguan ang tinanggap ng Bakers at kailangang makitaan ang naunang tikas na nasilip sa unang mga laro ng Café France para gumanda ang tsansa na manalo sa katunggali.

Ang Oilers pa lamang ang nasibak sa 10-kopo­nang nagtatagisan pero hindi sila basta-basta bibigay lalo pa’t disenteng pagtatapos ang kanilang hinahanap sa pagpasok sa huling dalawang laro.

Galing pa ang tropa ni coach Paolo Mendoza mula sa 77-76 paninilat sa Superchargers at ito ang kanilang sasandalan upang maisulong sa dalawang panalo ang karta.

 

vuukle comment

ANG CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

ANG OILERS

BIG CHILL SUPERCHARGERS

BLACKWATER SPORTS ELITE

BORACAY RUM

BORACAY RUM WAVES

BREATH CAF

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with