^

PSN Palaro

Pacers sabog sa Rockets

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinakita ng Houston Ro­ckets kung ano ang aasahan ng kanilang mga fans para sa darating na NBA season.

Tampok sina Dwight Ho­ward, James Harden at Chandler Parsons, tinalo ng Rockets ang Indiana Pacers, 116-96, sa kanilang pre-season match sa Global Games 2013 kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matapos magposte ng isang 15-point lead sa first period ay naglista ang Houston ng isang 22-point advantage, 112-90, sa huling 2:21 ng final canto.

Natalo ang Houston sa New Orleans, 115-116, samantalang nabigo ang Indiana sa Chicago, 76-82, sa kanilang mga pre-season games.

Binuksan ng Rockets ang laro mula sa isang 12-0 atake na tinampukan ng isang three-point shot at basket ni Harden para iwanan ang Pacers sa 9:04 ng first period.

Inilapit naman nina David West at George Hill ang Indiana sa 6-12 hanggang iposte ng Houston ang isang 15-point lead, 23-8, mula sa isang slam dunk ni Parsons buhat sa pasa ni Harden sa 5:04 nito.

Sa likod nina Hill, Paul George at Luis Scola ay nakalapit ang Pacers sa 37-39 agwat sa 7:46 ng second quarter.

Bago ang laro ay ipinakilala muna si 2013 Miss World Megan Young na kaagad ring umalis.

Sa pagtatapos ng opening period ay itinampok naman sina dating NBA stars Clyde Drexler, Robert Horry, Jalen Rose at Ron Harper.

vuukle comment

CHANDLER PARSONS

DAVID WEST

DWIGHT HO

GEORGE HILL

GLOBAL GAMES

HOUSTON RO

INDIANA PACERS

JALEN ROSE

JAMES HARDEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with