^

PSN Palaro

La Salle, NU ‘di maawat

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matatalim ang mga palaso ng La Salle para kunin ang 91-63 pagdurog sa Emilio Aguinaldo College sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 20 puntos at 11 rebounds si Jason Perkins at naging mainit ito sa opensa sa kinamadang 8-of-12 shooting, tampok ang 2-for-2 sa three-point line.

May 11 si Jeron Teng ha­bang double-double na 10 puntos at 10 boards si Norbert Torres at 10 puntos pa ang kay Jarelan Tampus para sa Archers na binuksan ang labanan sa 26-14 kalamangan.

Ito ang ikalimang sunod na panalo ng koponan para tumibay ang paghahabol sa quarterfinals sa Group B.

Determinado ang Archers na manalo dahil ini­aalay nila ang laro para kay 6’7 center Yutien Andrada na nawala na sa koponan bunga ng tinamong ACL injury sa laro laban sa Lyceum.

Gumulong naman ang National University sa kanilang ikapitong sunod na panalo sa madaling 71-52 pananaig sa UP.

Lumayo agad ang Bulldogs ng 20 puntos sa first half para itulak ang Maroons sa 0-5 baraha.

Samantala, kinuha naman ng Letran ang ikaapat na panalo sa pitong laro nang  takasan ang Lyceum, 77-72.

May 16 puntos si rookie Rey Nambatac para sa Knights.

vuukle comment

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FILOIL FLYING V HANES PREMIER CUP

GROUP B

JARELAN TAMPUS

JASON PERKINS

JERON TENG

LA SALLE

NATIONAL UNIVERSITY

NORBERT TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with