^

PSN Palaro

Irish hari ng Ronda

Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines --Hindi na humiwalay pa si Irish Valenzuela ng LPGMA-American Vinyl sa mga karibal sa idinaos na criterium race Stage 16 upang hindi na makakawala ang makasaysayang pagtatapos sa pagsali sa 2013 Ronda Pilipinas.

Kinapos ang 25-an­yos na siklista na tubong Tabaco City, Albay ng 31 segundo sa lap winner na si Jan Paul Morales ng Navy-Standard pero walang epekto ito dahil napanatili ni Valenzuela ang kalama­ngan sa mga karibal upang angkinin ang individual title sa pagtatapos ng karera kahapon sa Baguio City.

“Sa wakas, matapos ang mahabang paghihin­tay, nakuha ko rin ang pi­nanga­rap ko na manalo sa ganitong karera,” wika ni Valenzuela na naselyuhan ang panalo nang dominahin ang ITT race na Stage 14.

Sa kabuuan, si Valen­zuela ay naorasan ng 55 oras, 18 minuto at 52 segundo matapos ang 16 na laps at 21 araw para halinhinan si Mark Galedo ng Roadbike Phl na  siyang kampeon sa nagdaang edisyon.

Si Valen­­ z­uela bilang kauna-una­hang siklista mula Bikol na nanalo matapos ang tagumpay na naiposte ng tubong Sorsogon na si Renato Dolosa na kampeon ng 1992 at 19­95 Marlboro Tour. Sa ngayon si Dolosa ang coach ni Valenzuela sa LPGMA-AV.

Si Ronald Gorantes ng Roadbike Phl ang puma­ngalawa sa 55:20:49 at katuwang si Galedo na tu­mapos sa pang-anim sa 55:33:32, ang kanilang koponan ang naghari sa team event sa 162:51:29.

Tig-isang milyon ang premyong napanalunan nina Valenzuela at ng Roadbike Phl.

Ang 20-anyos na si Ronald Oranza ng PLDT-Spyder na hinawakan ang red jersey mula Stage 10 hanggang 14 bago bumi    gay sa stage 15 na isang ITT race, ay tumapos sa ikatlong puwesto 55:21:00.

Bigo man sa kam­peo­nato, hindi naman masasabing nasayang ang paghihirap ni Oranza dahil siya ang kinilala bilang Best Young Rider ng karera.

 

vuukle comment

AMERICAN VINYL

BAGUIO CITY

BEST YOUNG RIDER

IRISH VALENZUELA

JAN PAUL MORALES

MARK GALEDO

ROADBIKE PHL

SHY

VALENZUELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with