^

PSN Palaro

Eala enjoy sa Hong Kong

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala enjoy sa Hong Kong
Alex Eala.
Al Bello/Getty Images/AFP

MANILA, Philippines — Panahon naman para mag-enjoy si Alex Eala matapos ang matagumpay na kampanya nito sa Hong Kong Open kung saan nasungkit nito ang runner-up trophy.

Ilang netizens ang nagpost na nasilayan si Eala na namamasyal sa Hong Kong bilang bahagi ng pagpapahinga nito.

Enjoy si Eala sa mala­mig na weather ng Hong Kong kasama ang kanyang pamilya.

Nauna nang inihayag ni Eala na nais nitong magbakasyon kasama ang kanyang pamilya at pansamantalang lumayo muna sa spotlight.

Matapos ang bakas­yon, paghahandaan naman ni Eala ang susunod na season kung saan kumpirmado na itong lalahok sa dalawang malalaking events.

Kabilang sa mga kinum­pirma ni Eala ang pag­babalik nito sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand na magsisilbing bahagi ng paghahanda nito para naman sa 2027 Australian Open na idaraos sa Melbourne, Australia.

Bago ang malalaking torneo, sasalang muna si Eala sa exhibition match nito kontra kay Janice Tjen ng Indonesia na gaganapin sa Philippine Arena sa Dis­yembre 8.

Masaya si Eala sa resulta ng kanyang season sa taong ito.

Matagumpay si Eala na mula sa No. 50 sa pagsisimula ng season, tatapusin nito ang taon tangan ang career-high na No. 15 sa WTA rankings.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with