PANOORIN: Angelo Que, target panalunin ulit ang Philippine Open sa edad na 47
MANILA, Philippines — Pangungunahan ni dating champion Angelo Que ang 27 Pinoy golfers na sasabak kontra sa malakas na international field sa 108th Philippine Open na magsisimula sa Huwebes, Nobyembre 12, sa Manila Southwoods Golf and Country Club.
Nakatakdang pamunuan ni Que ang mga Pinoy golfers matapos umatras sa torneo si Miguel Tabuena dahil sa injury sa kaliwang hinlalaki.
May 132 golfers na maglalaban para sa bahagi ng record na $1-million prize purse.
Kabilang sa mga paboritong manalo sina Asian Tour rankings leaders Pavit Tangkamolprasert ng Thailand at Travis Smyth ng Australia.
- Latest




















